Fuccboi no more.
"Aaminin ko, I am a womanizer before. I used to play with girls' hearts. I used to give them false hopes, after getting what I want from them, I will leave them like a piece of used tissue. Yeah, I know. I'm such an *sshole for doing those things to innocent women. But that was before.
Because since I met the most possessive-jealous-woman in the world, everything about me has changed.
When I met her, I knew that she has a trust issue stemmed from her past relationship and I took it as an advantage so I could get her heart easily. At first, I really have no intention to take her seriously, or to get into relationship with her, neither. But this woman is my Karma.
Second date palang namin, kinukuha na niya ang password ng phone ko and I was like what the hell is wrong with this woman? She just wanna make sure na siya lang daw ang dini-date ko. Napaka-intimidating niya and controlling. Nung binigay ko yung phone and password ko, and she found out that she's not the only woman that I'm dating with, she just throwed my phone on the floor and she slapped me in front of other people. Napa-nganga ako. Siya lang ang babaeng nakagawa sa akin non. D*mn! But the thing was, I apologized for what I did na hindi ko naman usually ginagawa sa mga babaeng nakilala ko. Hindi ako nanunuyo. If a girl is pabebe, b*tch the hell I care. That was my attitude before. Pero siya, sinuyo ko. Pinuntahan ko pa sa bahay nila, first time na mag-effort akong pumunta sa bahay ng babae... at first time magpakilala sa parents ng dini-date ko. To cut the long story, naging kami.
Yeah, I'm in a relationship now. Alam niya ang password ko sa Facebook, Twitter, and Instagram. At mas madalas na siya pa ang nag o-open nun kesa sakin. She just blocked all the girls on my facebook whether those girls are my friends, classmates, no exemptions. Nagka-argument pa kami dahil dun kasi alam kong wala na akong malalanding iba. In our first months, tinry kong magkaroon ng third party, pero wala. Hindi nag-work. Puro siya, "UMUWI KANA!" at para ma-make sure niyang nasa bahay ako, kailangan pa naming mag video chat.
Kapag may boys' night-out, sumasama siya. Kaya minsan hindi nalang ako sumasama sa mga kaibigan ko kasi bantay sarado rin naman ako. Sobrang sinakal ako ng babaeng 'to. Walang takas. Cellphone ko ini-investigate araw-araw pati laman ng contacts ko. Naiintindihan ko naman kung bakit siya ganiyan, trust issues, sa past niya at sa nagawa ko noon.
Hanggang sa tuluyan na akong nagbago.
Oo, dahil sa sobrang selosa at paranoid niya, nagbago ako. Nasanay na akong siya nalang at ako. Tuluyan nang nawala yung nakasanayan ko noon na hindi ako nag-iistick sa iisang babae. Habang tumatagal, naaappreciate ko siya at ang pagiging over-protective niya sakin. Alam kong ginagawa niya lang yun kasi takot siya bumalik ako sa dati, at takot siyang mawala ako sa kaniya. I realized na having a lot of women is no match for having the only woman who can make you feel that you already have everything in this world. Despite of her flaws na immature, selosa, and suffocating, sobra niya akong minamahal at inaalagaan. Kaya naman wala na akong hahanapin pang iba dahil nese kenye ne lehet.
PS: Hindi na siya childish ngayon, and I'm thanking all Gods for this. Siguro na-proved ko nang I won't do anything that would hurt her. Siguro rin, nabuo ko na yung broken pieces ng heart niya, sa four years pa ba naming magkasama na siya lang eh.
PPS: May magandang side rin ang pagiging selosa at paranoid niyo, girls. Hassle talaga saming malalandi yung mga pagbabawal niyo kaya eventually, masasanay na kami na kayo nalang. Nakakapag-patino talaga yang pagiging nagger niyo, dahil iwas kami temptation. Example: yung simpleng pag-block ng babae sa facebook lalo na kung hot, kating-kati kaming i-chat yan lalo na kapag magkaaway kasi pwedeng ireserba yun if ever na may chance kami. Pero dahil blocked na, wala nang icha-chat kundi kayo nalang. Not sure kung ganun din sa ibang lalaki pero syempre itatanggi nila yan. Lol. Joke lang!
PPPS: It is fine to be a controlling girlfriend lalo na kung alam mo kung ano siya before. Pero kung ico-control mo siya, atleast make him feel na you are worth staying for. Karamihan kasi, "WAG KANG TUMINGIN SA IBA, AKIN KA LANG!" hanggang dun nalang.
Mas maganda kung ganito, "WAG KANG TUMINGIN SA IBA, AKIN KA LANG! PROMISE, MAMAHALIN KITA AT I-AAPPRECIATE KO ANG PRESENCE MO SA BUHAY KO ARAW-ARAW!"
Edi heart heart."
Former Fuccboi
2010
FEU Makati
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Non-FictionFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST
