God's Will

367 2 0
                                    


God's Will

"Tigil na muna natin yung mga usapang sparks, lovelife at mga dream girl or guy. Kwento ko lang sainyo yung faith story ko. Na hopefully sana mainspire kayong kumapit kay God.

Masaya ako dati. Buo pamilya ko, makadiyos ako, lagi kaming pumupunta sa Church tuwing Linggo. Di kami mayaman pero kuntento kami sa kung anong meron kami.

Lahat ng kasayahan may hangganan din pala. High school ako nun nung nagkaroon ng problema sa family ko. Nagkaroon ng 3rd party mom ko. Syempre masakit para sakin nung nalaman ko yun. Mas nasaktan tatay ko. Kaya nung nalaman niya yun binubugbog niya nanay ko. Medyo naging living hell yung naging buhay ko. Araw araw kong nakikitang nag aaway sila. At araw araw ko ding nakikita silang nag wrewrestling. Dumating sa puntong di ko na kaya ako na yung nagsilbing referee nila.

Nagalit ako nun kay God. Sobra akong nagalit. Simula nun naging Agnostic ako. Di ko ina-acknowledge si God. Kinakausap ko lang siya dati para sisihin siya sa mga nangyari sa buhay ko. Di na ako nagsisimba nun. Pag nagsisimba naman ako di ako kumakain ng hostya. Naging dependent ako sa sarili ko. Nagagalit ako ng sobra kay God.

Sobra akong nagwalwal. Dala ng emotion. Lagi akong umuuwi ng bahay na lasing. Kung minsan nga umuuwi ako sa bahay na may hickey sa leeg. Umuuwi ako ng bahay ng gabi kung minsan pa nga di na ako umuuwi ee. Naging pala sagot ako sa nanay at tatay ko. Dumating pa nga sa point na minura ko sila ee. Katulad nga ng sinabi ko. Naging dependent ako sa sarili ko.

Fast forward tayo sa college application. Gusto ko talaga ng UST Arki. Kaso for some reasons di ako makapasa pasa dun. Pumasa akong USTET kaso waitlist lang. Tas nung Drawing test. Dapat magdala kami ng triangle ang kaso di ako nakapagdala. Parang pilit na di ako pinapapasok sa school na yun. Again nagalit ako kay God. Yun na nga lang pinagkakait niya pa.

Wala akong ginawa sa isang sem. Naisipan ko pumasok sa Benilde. Pero di bilang Arki student. Nagapply akong film. Nakapasa ako. Nagkaroon akong kaibigan dun. Itago na lang natin siya sa pangalang JD. Tinanong ko sa kanya kung ano yung agnostic. Medyo di ko alam kung bakit, pero out of no where natanong ko siya kahit alam ko kung ano ibigsabihin nun.

Nagkaroon kami ng deep talks about faith. Sinabi niya sakin yung 4 spiritual laws. May isang statement siya na sinabi sakin na nagstruck sa isip ko. You can't accept what has God planned for you in your life if you won't accept Jesus as your savior. Sobra ko siyang pinagisipan that day.

Niyaya niya ako sa youth service niya and pumayag akong pumunta. Nung nandun na ako. During worship, napaluha ako. Ewan ko kung bakit. Pero parang may naghug sakin na di ko malaman. Dun ko na realize na I wasn't living the life God wants me to live. Sobrang galing ni God. Kasi siya pa talaga yung gumawa ng plan para mapalapit ulit ako sa kanya. Since nun, naging active na ako sa church.

Up until now may mga problems pa din ako. Pero just knowing that God is with me kuntento na ako. May nagsabi nga sakin. Yung buhay ko daw matagal ng tinapos ni God yung pagsusulat. Nakasulat na dun lahat. Ang kailangan ko na lang is kumapit kay God. Pray lang ng pray kasi si God lang yung magbibigay ng strength na kailangan mo ee.

Last na. Para sa may mga problema dyan. Tandaan niyo mga ito. JOHN 13:7, ROMANS 18:8, at JAMES 1:2-3. Yan yung mga go to bible verses ko. Sana makatulong sa inyo. "


Genesis
2015
UST High School

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

my reaction:  😢

may mga times na darating na mawawalan ka na lang ng faith and trust kay Lord. sa dami ba naman ng pagsubok na pwedeng dumating sa buhay mo at kahit na rin sa buhay ng iba... mapapatanong ka na lang kung bakit.  pero siya kahit kailan hindi sumuko sa 'yo, hinihintay ka lang niya na lumapit sa kanya, siya ang magbibigay sa 'yo ng kapayapaan at pag-asa. Maniwala ka lang sa kanya :)

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon