Twerk It Like Miley
Dumalo kami ng boyfriend ko sa isang debut noong isang araw. Kasama siya sa 18 roses. Medyo kinakabahan siya kasi hindi raw siya marunong sumayaw. Wala raw kasi silang prom nung highschool. Naisip ko noon, na nakakalungkot namanna ibang tao pa yung magiging first dance niya. Kaya may times na magpaparinig ako ""Buti pa si *toot*, siya yung first dance mo."" ganon. Nung nasa debut na kami, isa kami sa mga unang dumating kasama yung blockmates namin. Habang nagku-kuwetuhan kami sa table, bigla niya akong hinila palabas. Nagulat ako, wala talaga akong ideya kung ano gagawin niya. Pagkalabas, nakangiti siya sa'kin. Kinuha niya kamay ko at sinabing ""Turuan mo ako sumayaw."" Kilig na kilig ako di ko lang pinapahalata hahaha! After ko siya turuan, ayun, sinayaw na niya ako. Pakiramdam ko ang haba haba ng hair ko non! Grabe. Magkadikit yung noo namin at nakatitig sa isa't isa habang nakangiti. Ang sarap sa feeling! Dati rati, iniisip ko ang corny nung mga nasa movies na sumasayaw nang walang tugtog. Iba pala talaga pag mahal mo yung isang tao. Lahat ng kakornihan, papakiligin ka. :)
Thank you, baby. First time kong mag-slow dance sa Twerk It Like Miley. I love you!
Penny
2019
College of Commerce and Business Administration
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
my reaction: 😊
buti nga kahit twerk it like Miley yung background song niyo sinayaw ka pa rin niya... pero para kay kuyang tinutukoy ni sender, sana next time be prepared hahaha XD
BINABASA MO ANG
Favorite UST Files posts
Документальная прозаFormer Favorite UST Files posts. Added FEU Secret Files #FEUST
