I'm inlove with my Professor

268 5 0
                                    


I'm inlove with my Professor

"Hi sir, alam mo unang kita ko palang sayo nabihag mo na ang puso ko. Bonus nalang yung itsura eh pero ang pinaka nagustuhan ko sayo ay yung talino at pagiging mabait mo saming mga estudyante mo.

Alam mo ba nung prof pa kita madalas kong napapanaginipan na kinasal tayo. Haha! Ewan. Ganun nalang ata kalakas ang tama ko sayo sir! Kapag ngumi ngiti ka para akong lumilipad sa ulap. Nakaka hypnotized kapag nagtuturo ka na sa klase. Natutulala ako sayo sir. Hindi lang ako ang humahanga sayo sir, halos lahat kaming mga babaeng estudyante mo.

Height mo pang basketball player 6'1, maputi ka, hawig mo pa si Jeremy Lin, at higit sa lahat ang tali talino mo. Naikwento mo nga saamin, fresh grad ka palang sa ateneo ng mag apply kang prof sa FEU, di ka nahirapan kasi nagtapos kang Summa Cum Laude sa ADMU kaya hindi rin nagkakalayo ang edad natin, 20 ako, 23 ka.

Hindi man ako katulad ng mga kaklase kong nagpapapansin sayo pero gusto kong malaman mo na noon palang gusto na kita sir. Noon wala sa isip ko ang crush crush na yan pero noong dumating ka, nag bago na ang lahat. :) <3

Nagulat ako noong kinamusta mo ako nung nakasabay kita sa elevator. Kinikilig ako non sir. Kahit para sayo walang malisya yun. Sabi mo nung bababa na ko "Goodluck sa studies, ingat lagi." Alam mo ba sir nag tatatalon ako noon sa sobrang kilig? Di ko akalain na maririnig ko sayo yun.

Pangalawang beses nakasabay kitang umorder sa EB canteen. Binayaran mo ung inorder ko tapos nginitian mo ako. Grabe natulala ako sayo sir. Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. :"> Nauna kang umalis, nang makahanap ako ng table maya maya sumunod ka.

"Pwedeng maki share?" ngumiti ka nanaman. Napa tango nalang ako.

Tinanong mo kung anong year ko na, tinanong mo kung kamusta acads ko, grades ko, thesis ko, kung anu ano. Pero nung tinanong mo ako kung may boyfriend ako at pwede kang manligaw yun ang di ko kinaya.

Omoo ako. Simula nun hinahatid mo na ako araw araw sa bahay namin. Nagpakilala ka sa parents ko at gusto ka nila. Kapag may class ako tinetext mo ko ng "Silip ka sa pinto" tapos pag tingin ko nandun ka nag fa-flying kiss. Tinatanong mo ako sa assignments ko, nag pepresinta kang tutulong pero syempre di ako papayag no.

Hindi ka mahirap mahalin sir dahil di mo alam noon palang mahal na kita. <3

Para kang pangarap lang na naabot sir.

Sabi mo sakin risk to para satin dahil kailangan natin itago pero sabi mo di ka magsasawang mag hintay hanggang sa maka graduate ako. Sir 3 months nalang legal na tayo. 3 months nalang pwede na kitang ipag malaki. <3

Kahit in a relationship na tayo, tiisin muna natin ang mga araw na Sir at surname ko ang tawagan natin kapag nasa school tayo pero kapag sa labas at tayo nalang, baby na. I love you so much sir/baby. Ang swerte swerte ko. Sobrang swerte ko. Para akong si Ginny at ikaw si sir Marco. Parang ako lang yung noo'y estudyante mo na nangangarap lang pansinin mo. <3"

Ginny (screen name)
2011
IAS (not my real insti.)

Favorite UST Files postsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon