Spoken 4: Husga

253 13 1
                                    

"Hindi ka kilala pero hinuhusgahan ka. Tangina hindi ba?"

~*~

Sa mundong ito, lahat may husga.
Mayaman o mahirap, lahat may salita.
Maganda o pangit, lahat may nasasabi.
Kasi sa mundong ito, umiikot ang lahat sa sabi-sabi.






Hindi mo ako kilala. Pero hinusgahan mo ako.
Hindi ikaw ang nagpalaki sa akin ng ganito, pero kung makapagsalita ka mas masahol pa sa magulang ko.
Ganun naman talaga siguro,
Kasi ang mga tao walang alam sa mundo.






Ikaw na mapanghusga.
Ikaw na mapangutya.
Tandaan mo ito, hindi ka sasaya.
Dahil puros pagkakamali ng iba ang iyong nakikita.






Bakit nga ba ganito ang mundo?
Husga dito, husga doon.
Puro nalang pagkakamali ang napapansin.
Bakit nga ba ganito?

Bakit nga ba mapanghusga ang mga tao?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon