Spoken 24: Ako nanaman ba?

46 1 0
                                    

"Sa pangalawang pagkakataon, ako namaman ba ang sasalo ng lahat ng mali sa pagitan nating dalawa?"

Minahal kita, higit sa sarili ko.
Minahal kita, sa hangganan nang isang pagmamahal na hindi ko pa naibibigay sa kahit na sino.
Binuhos ko ang oras at puso ko, para lamang sa 'yo.
Pero bakit ngayon, ako nanaman ang aako sa mga pagkukulang mo?


Mahal, inintindi kita kahit wala na akong maintindihan.
Mahal, niyakap parin kita, kahit na puro tinik na ang naidudulot ng bawat pagyapos ko sa iyong kamalian.
Mahal, ginawa ko naman ang lahat.
Pero bakit gano'n mahal? Ako nanaman ba ang sasalo ng lahat?


Ako namaman ba ang mali sa pangalawang pagkakataon?
Ako nanaman ba ang aako ng lahat ng sakit sa pagitan ng pangakong binitawan natin ng magkasama?
Ako nanaman ba ang lalabas na nagtapon ng lahat ng ating pinaka-iingatang alaala't pagmamahalan?
Ako nanaman ba, mahal, ang ipagkakanulo sa parusa para sa kasalanang hindi ko ginawa?

Ako namaman ba ang magpapanggap na pumatay kahit ako ang namatay?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon