Spoken 25: Gaano ka ba kalupit?

41 1 0
                                    

"Gaano ka ba kalupit? Na ayaw mo akong tantanan sa sakit na idinulot mo?"

Ilang buwan na rin ang nakakaraan.
Ilang araw at gabi na rin ang nagdaan.
Ngunit bakit tila parang kahapon parin nangyari ang lahat?
Ngunit tila bakit hindi man lamang nababawasan ang sakit na dulot ng iyong paglisan?


Hanggang ngayon, narito parin ang pilat.
Hanggang ngayon, masakit parin ang hindi gumagaling na sugat.
Hanggang ngayon, puso'y umaasa pa ring baka saling babalik ka,
Na baka sakali'y, maalala mong AKO ang nauna, bago siya.


Hanggang kailan pa ba ako masasaktan?
Hanggang kailan pa ba ako aasa?
Hanggang kailan pa ba mababasa ang aking mga unan dulot ng luha?
Hanggang kailan ba, ako'y magdurusa habang ika'y ayo't masaya?


Gaano ka ba kalupit na ang parusa mo sa aki'y tila pang-habangbuhay na?
Gaano ka ba kalupit na tila'y iniwanan mo ako ng isang sumpa?
Hanggang kailan ko ba pagdurusahan ang sakit ng kahapong idinulot mo?
Hanggang kailan ba ako kakapit sa ilusiyong mayroong tayo?


Hanggang kailan mo ba ako sasaktan ng ganito?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon