Spoken 32: Ako nalang

41 1 0
                                    

"Ako nalang. Ako nalang ulit. Ako nalang kasi."

Minahal mo naman ako noon ng sobra.
Masaya naman tayo noong dalawa.
Ikaw bilang kuntento sa akin.
At ako bilang kuntento sa atin.


Okay naman tayo noon.
Payapa at masaya naman tayo sa nakalipas na panahon.
Ikaw na mahal ako.
At ako, na tanging sa iyo lamang ang puso.


Ngunit nagkaproblema tayong dalawa.
Napagod ka't tila nagsawa pa.
Ang dati'y kuntento't masaya,
Ngayo'y masakit, malungkot at sira na.


Hindi na ba talaga maaayos pa?
Wala na ba talaga tayong pag-asa pa?
Aking mahal, hindi na ba pwedeng ako parin?
Mahal ko, hindi na ba pwedeng tayo parin?

Mahal, ako nalang. . . Tayo nalang. . .

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon