Spoken 17: Pagtatapos

94 1 0
                                    

"Konti nalang, patay na ako."

Handa na ba akong maiwan?
Handa na ba akong mabitawan?
Ito naba talaga ang katapusan,
Ng isang relasyong hindi pa nasisimulan?


"Maghiwalay nalang tayo." Iyong sambit.
"Pagod na pagod na ako." Dagdag mo pa sa iyong tinuran.
"Tapusin na natin 'to." Sabi mo pa na parang kutsilyong tumarak sa aking kaluluwa.
"Ayoko na." Huli mong salita na pumatay sa buong pagkatao ko.


Wala naba talagang pag-asa pa?
Ito naba talaga ang katapusan nating dalawa?
Talaga bang sumusuko ka na?
Talaga bang handa mo na akong talikuran at hindi na lingunin pa?


Mahal na mahal kita higit sa kahit na ano.
Mahal na mahal kita na isusugal ko ultimo ang buhay ko.
Mahal na mahal kita na hindi ko kayang mawala ka.
Pero ikaw, handa mo akong isugal ng ganoon na lamang kadali na para bang wala akong halaga?


Akala ko lahat ng uri ng pagtatapos ay masaya.
Kagaya na lamang ng magtapos ng elementarya, sekondarya at kolehiyo.
Ngunit hindi pala gano'n 'yon.
Masakit pala ang pagtatapos.


Ito na siguro ang pinakamasakit na pagtatapos.
Paalam na ba talaga sa iyong pangakong bigla nalang tinapos?
Ang kaluluwa kong unti-unti nang nauupos,
handa naba talagang ika'y limutin ng lubos?


Ngunit kung ito ang iyong nais,
Kung ito ang pinipintig ng iyong dibdib,
Kung ito ang magbibigay sa 'yo ng kasiyahan,
Kahit na ikamatay ko pa, sige pinapalaya na kita.

Tayo ay tapos na.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon