Spoken 3: Halaga

325 10 2
                                    

"Ang sakit pala talaga kapag 'yung taong inakala mong may halaga ka sa kanya, siya pa 'yung magsasabing useless ka."

Sa lahat nang sakit.
Sa lahat nang pasakit.
Ikaw ang sinandalan.
Ikaw ang inasahan.




Ikaw na binigyang halaga ang isang ako.
Ikaw na binuhay ang kasiyahan sa sistema ko.
Ikaw na binigyang sigla ang araw ko.
Ikaw... na nagsabing importante ako.




Noon mahalaga ako. Ngayon wala na akong kwenta.
Noon ang laki ng importansya ko. Ngayon mabubuhay ka na nang wala ako.
Noon masaya kang kasama ako. Ngayon halos ipagsigawan mong, ayaw mo sa'kin.
Noon okay ang lahat, pero ngayon tila nadulas sa lubid at humiwalay nang landas.




Nasasaktan ako! Alam mo ba?
Kapatid kita! Ramdam mo ba?
Hindi ko kaya nang wala ka! Pagod ka na ba?
Ayokong mawala ka... mananatili ka ba?

Ayokong iwanan mo'ko. Parang awa mo na, manatili ka...

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon