Spoken 9: Ilang beses

121 5 1
                                    

"Unlimited pain and heartaches."

=×=

Ilang beses masasaktan?
Ilang beses bibitawan?
Ilang beses susukuan at pagsasawaan?
Ilang beses iiwan?

Nangako kang walang sukuan.
Nangako kang walang iwanan.
Nangako kang walang bibitaw.
Pero 'yung mga pangako mo, lahat napukaw.

Akala ko kilala na kita.
Akala ko pinapasok mo na ako sa buhay mo.
Akala ko nakita ko na ang hindi nakikita ng iba.
Pero lahat pala, pawang akala ko lang.

Humawak ako sa lahat.
Naniwala ako sa mga pangako mo.
Kumapit ako sa mga salitang, "nandito lang ako."
Umasa ako sa mga sinabi mo.

Pero sino bang niloko ko? Alam ko namang sa huli, iiwan mo rin ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon