Spoken 16: Oras

79 1 0
                                    

"Akala ko kapag napasa-akin kana, maaayos na ang lahat. Mali pala ako."

Hawak na kita. Akin kana.
Mahal mo ako't mahal din kita.
Masaya tayo. Masaya tayo sa una.
Pero parang unti-unti kong naramdamang,
wala ka. Hindi mali, hindi pala talaga kita madama.

Gaano ba kahirap ako'y bigyang pansin?
Minuto mo lamang ang aking hiling.
Ika'y pinagbubuhusan ko ng atensyo't pagmamahal.
Pero bakit saki'y, hindi mo kayang ang oras mo'y iyong isugal?

Nakakapagod pala.
Nakakasawa ang ganitong sapantaha.
Tao ako. Tao rin ako.
Nakakaramdam. Nasasaktan.

Pahingi naman ng oras mo.
Iparamdam mo namang nariyan ka talaga sa tabi ko.
Hindi ko kailangan ng materyal na bagay.
Oras mo lamang ang aking hinihintay.

Iparamdam mo naman sa akin ang iyong presensya.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon