Spoken 8: Paghinga

136 6 0
                                    

"Sa bawat paghingang aking gagawin, pasikip nang pasikip aking dibdib sa dahilanh hindi ka kapiling."

~*~

"Manatili ka," bukambibig ko.
"Nandito lang ako palagi," dagdag ko pa.
Ikaw lang ang tangi kong hiling.
Ikaw lang, masaya na akong mahihimbing.

Kada segundo, ikaw ang inaalala.
Kada minuto, ikaw ang sinasapantaha.
Kada oras, ikaw ang gustong makasama.
Kasi sa puso ko, ikaw parin, walang iba.

Bawat paghinga, ikaw ang hanap sa tuwina.
Bawat pagbuga ng hangin, ikaw ang gustong makita.
Bawat pintig ng puso, ikaw ang sigaw nito.
Kasi sa mundong ito, ikaw ang buhay ko.

Humihinga ako, para sa iyo.
Humihinga ako, para sa pagmamahal mo.
Humihinga ako, para sa puso ko.
Puso kong durog na durog na, pero patuloy na lumalaban at tumitibok para sa'yo.

Bawat paghinga ko, ay parang kutsilyong pumapatay sa akin.
Bawat paghinga ko, ay parang lason na unti-unting inuubos ang lahat sa akin.
Bawat paghinga ko, ikaw ang imaheng nakikita ko.
Dahil bawat paghinga ko, ikaw ang sanhi nito.

Hirap na hirap na ako.
Ayoko na ang ganito.
Pwede bang tama na?
Pwede bang, tumigil na ang puso ko sa pagtibok para sa'yo?

Humihinga ako pero patay na ang puso ko.
Humihinga ako pero wala na akong pulso.
Humihinga ako pero wala na akong kaluluwa.
Dahil ang paghinga ko, kamatayan na ang dala.

Kailan ba matatapos ito?
Kailan ba ako hihinto sa paghinga?
Gusto ko nang matapos ito.
Pwede bang, wakasan ko na ang buhay ko?

Nakakapagod palang huminga.
Nakakasawa palang tumawa.
Nakakawalang-gana palang ngumiti,
Kung ang puso mo'y puno ng pighati.

Kaya ako'y nakapagpasya na, tama na. Titigil na ako sa paghinga.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon