Spoken 37: Mali ba?

38 1 0
                                    

"Have you ever felt so fuckingly insane?"

Nagsisimula na akong maging masaya.
Nagsisimula na akong makakita ng liwanag ng saya.
Nagsisimula na akong ngumiti at tumawa.
Pero bakit ganito? Bakit parang hindi tama?


Bakit parang mali?
Bakit parang hindi ako karapat-dapat ngumiti?
Bakit pakiramdam ko, ako'y nagkakasala?
Ganito ba talaga kahirap maging tunay na masaya?


Gano'n na ba ako kasanay masaktan na parang isang napakalaking pagkakamaling maging masaya?
Gano'n na ba ako kalungkot na mas gusto pa ng sarili kong umiyak kaysa tumawa?
Gano'n na lamang ba kamali ngayon ang makaramdam ng saya?
Bakit maling maging masaya?


Nakakapagod masaktan. Pero bakit pakiramdam ko, mali na nagiging masaya na ako?
Ayoko na'ng umiyak. Pero parang sobrang bigat tumawa para sa puso ko?
Bakit ganito? Bakit ang hirap maging tunay na masaya?
Mali ba? Mali bang sa unang pagkakataon, sarili ko naman muna bago ang iba?

Malaking pagkakamali bang unahin ko naman ang AKO?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon