Spoken 26: Kung Paano Mamatay

69 2 0
                                    

"Gusto mo bang malaman kung paano mamatay ng madalian?"

Paano ba mamatay?
Kapag ba naglaslas ka, ikakamatay mo na ba 'yon?
Kapag ba nagbigti ka, mamamatay ka na ba no'n?
Kapag ba tumalon ka sa tulay, patay ka na agad no'n?
Kapag ba nakainom ka ng lason, 'di ka na mabubuhay?


Paano ba mamatay?
Gusto mong malaman, hindi ba?
Simple lang naman. Magmahal ka.
Sagutin mo siya or ligawan mo siya.
Ibigay mo lahat ng puso mo sa kaniya.
Mahalin mo siya ng sobra.


Magmahal ka lang. Ibuhos mo lahat.
'Wag kang magtitira sa sarili mo, ha?
Mahalin mo lang siya ng higit pa sa kaya mong ibigay.
Mahalin mo siya ng higit sa pagmamahal mo sa sarili.
Mahalin mo lang siya. Basta't mahalin mo lang.


Tapos 'di ba iiwan ka rin niya?
Tapos 'di ba papaasahin ka lang niya?
Tapos 'di ba lolokin ka lang niya?
Tapos 'di ba hindi ka naman niya mamahalin?
Tapos 'di ba aayawan ka rin naman niya?
Tapos 'di ba lahat ng pangako niya, isang malaking joke lang pala?
Tapos 'di ba masasaktan ka ng sobra?
Tapos 'di ba mawawasak ka ng sobra?
Tapos ayon na. Durog ka na. Basag ka na.
Patay ka na.

Simple lang 'di ba? Magmahal ka lang, tapos mamamatay ka na.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon