Spoken 18: Pagitan

61 4 0
                                    

"Ano ba tayong dalawa?"

Mahirap mapunta sa pagitan.
Pagitan nang pagsuko at pagsugal.
Pagitan ng oo at hindi.
Pagitan ng pwede at bawal.


Mahirap maging pagitan.
Pagitan ng pagbitaw at paglaban.
Pagitan ng nagmamahal at nagmahal.
Pagitan ng simula at wakas.


Masakit maging pagitan.
Pagitan ng kami pa o wala na.
Pagitan ng tapos na o ipagpapatuloy pa.
Pagitan ng mahal kita o ayoko na.


Pagitan. Ano nga ba tayo sa pagitan?
Oo o hindi? Tama o mali?
Tapos na o simulan pa lang?
Itutuloy o ihihinto? Susugal o uurong?
Ano ba ang tayo sa pagitan ng ako at ikaw?

Ano nga ba ang bumubuo sa pagitan nating dalawa?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon