Spoken 10: Bakit

132 8 1
                                    

"The world is full of unanswered why's."

~×~

Bakit nagmamahal?
Bakit umaasa?
Bakit naniniwala?
Bakit nasasaktan?

Bakit may nang-iiwan?
Bakit may nagpapaiwan?
Bakit may naiiwanan?
Bakit may nakakalimutan?

Kasi ginusto mo.
Kasi minahal mo.
Kasi nagtitiwala ka.
Kasi naniniwala ka.

Kahit na walang pruweba.
Kahit na walang kapani-paniwala.
Kahit na puro bakit nalang.
Wala paring pakielam basta't mahal mo lang.

Bakit umaasa? Kasi tumibok ang puso.
Bakit naniniwala? Kasi kapani-paniwala.
Bakit nasasaktan? Kasi hindi masaya.
Bakit hindi masaya? Kasi masakit.

Bakit puro bakit? Kasi ganon ang mundo.
Bakit paulit-ulit? Kasi ang buhay, isang siklo.
Bakit walang kapaguran ang puso? Kasi ginawa ito para tumibok ng walang hinto at magmahal ng walang kapaguran.
Bakit puro bakit? Kasi tao ka, buhay ka at humihinga ka.

Dahil sa oras na mawalan ng bakit sa pananaw mo, ibig sabihin patay kana.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon