Spoken 28: Puro

33 1 0
                                    

"Lahat ng susunod niyong mababasa ay purong nararamdaman ng isang taong ilang ulit na nabasag."

Kasalanan ko. Kasalanan ko lahat.
Kasalanan ko kung bakit ako mag-isa.
Kasalanan ko kung bakit ayaw nila sa 'kin.
Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ako ilang ulit na namamatay.


Sa sobrang sakit, nakakamanhid na.
Sa sobrang sakit, nakakabaliw na.
Sa sobrang sakit, gugustuhin mo nalang magpakamatay.
Kasi ito 'yung uri ng sakit na alam mo sa sarili mo, na wala kang ibang malalapitan at mapupuntahan kundi ang sarili mo.


Sa sobrang sakit, nawalan na ako ng pakiramdam.
Sa sobrang sakit, nakalimutan ko ng tao nga pala ako.
Sa sobrang sakit, wala na akong ibang bukambibig kung hindi, "Ayoko na."
Sa sobrang sakit, gusto ko nalang tapusin lahat.


Kasalanan ko naman kung bakit ganito.
Kasalanan ko naman kung bakit ako namamatay ng paulit-ulit.
Kasalanan ko naman kung bakit wala akong masandalan.
Kasalanan ko naman kasi lahat!


Kasalanan kong nabuhay ako.
Kasalanan kong humihinga ako't nagi-exist sa mundo.
Kasalanan kong hindi ako namatay, ilang ulit man akong naaksidente.
Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit ako miserable.


Walang tutulong sa 'kin.
Walang magpapatahan sa 'kin.
Walang mag-aalala sa 'kin.
Walang iiyak para sa 'kin.

Kasi sino ba naman ako?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon