Spoken 33: Sumpa

45 1 0
                                    

"Isinumpa yata akong masaktan eh."

May lugar ka sa puso ko pero hindi ko mawari kung ano ito.
May pwesto ka sa isipan ko, ngunit ibang tao naman ang tumatakbo sa isipan mo.
Parang mahal na yata kita?
Pero oo nga pala, may mahal kang iba.


Isinumpa yata akong masaktan ng ganito.
Isinumpa yata akong maging pangalawa nalang lagi sa mga puso ninyo.
Isinumpa yata akong magparaya.
Isinumpa ako. . . Isinumpa ako para mag-isa.


Tuwing ako'y iyong kausap, siya ang iyong bukambibig.
Umaga, hapon, gabi, siya ang laging ipinagmamalaki ng iyong tinig.
Paano naman ako? Napapansin mo kaya ako?
Nandito ako! Naririnig mo kaya ang mga impit na sigaw ko?


Nasasaktan ako pero namamanhid narin ito.
Naiiyak ako, ngunit tila pagod ng tumulo ang luha galing sa mga mata ko.
Nanghihina ako, ngunit parang sanay na ang aking katawan sa sitwasyon ito.
Kung sa bagay, ilang ulit ba akong naging anino sa mga paningin ninyo?

Tanginang sumpa ito. Durog na durog na ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon