Spoken 6: Tama na

159 12 1
                                    

"Tama na ang isa.
Sobra na ang ikalawa.
Nakakamatay na ang ikatlo."

~*~

Umiibig ngunit hindi sinusuklian.
Nagpapahalaga pero hindi pinapahalagahan.
Nagbibigay pero hindi nabibigyan.
Kumakapit pero binibitawan.

Nasasaktan pero walang pakielam.
Nasasaktan pero patuloy na lumalaban.
Nasasaktan pero nagmamahal parin.
Nasasaktan pero nagpapahalaga parin.

Tama na, masyado ng masakit.
Tama na, hindi ka niya mahal.
Tama na, wala siyang pakielam sa'yo.
Tama na, dahil binitawan kana niya.

Kaya ngayon, bumangon kana.
Tama na ang isang pagbagsak.
Tama na ang isang pag-iyak.
Tama na ang isang pagkabigo.

Tama na ang isang beses na sakit.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon