Spoken 22: Akala ko

44 1 0
                                    

"Hanggang akala nalang ba ito?"

Akala ko kapag lumitaw na ang bagong araw, ay babalik ka na sa piling ko.
Akala ko kapag tuluyan nang bumukadkad ang panibagong umaga'y mamahalin mo na akong muli.
Akala ko kapag nagising na ako mula sa aking pagtangis ay muli mo na akong patatahanin at pasasayahin.
Akala ko. Akala ko lang pala lahat ng ito.


Panibagong araw na ngunit hindi ka bumalik.
Tirik na tirik na ang panibagong umaga't wala ka pa rin sa aking tabi.
Nagising na ako mula sa pagkakahimbing sa aking mga basang-basang unan sanhi ng aking mga luha ngunit, hindi pa rin kita mahanap sa aking paningin.
Ano na bang nangyari sa atin? Ano na bang nangyari sa mga pangako natin?


Ang sabi mo noo'y hindi ka mawawala.
Ang sabi mo noo'y hindi mo ako pababayaan mag-isa.
Nangako kang hindi mo ako iiwan.
Ngunit bakit tila ako'y tuluyan mo nang nalimutan?


Mahal ko? Naaalala mo pa ba ako?
Mahal ko? Ako ito, ang nagmamahal sa 'yo.
Mahal ko. Balikan mo na sana ako.
Mahal ko. Ikamamatay ko ang tuluyang paglisan mo.

Kaya sana'y balikan mo na ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon