Spoken 13: Kailan ba

91 2 0
                                    

"Kailan kaya ako magigising sa bangungot mo?"

Mahal kita. Mahal mo siya.
Gusto kita. Gusto mo siya.
Hinahabol kita. Hinahabol mo siya.
Kailan ba ako naman ang iyong makikita?

Ginagawa ko ang lahat para sa 'yo.
Pinipilit ko ang sarili kong makita mo.
Desperada na ngang tunay, sa paningin niyo.
Pero kailan ba ako nama'y mahalin mo?

Kailan ba kita matatawag na akin?
Kapag ba huli na ang lahat sa atin?
Napapagod rin naman ang puso ko.
May limitasyon din naman ang pagpapakatanga ko.


Kailan ba mahahawakan ang iyong kamay?
Kailan ba ika'y mahahagkan?
Kailan ba ako naman ang iyong titignan?
Kailan ba ako naman ang iyong mahal?

Kailan ba titibok ang puso mo para sa akin?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon