Spoken 11: Nakakapanliit

99 3 1
                                    

"Bakit ba ang hirap niyong pantayan?"

~*~

Maganda sila, pangit ako.
Matalino sila, katamtaman lamang ang alam ko.
Payat sila, mataba ako.
Gusto sila ng marami samantalang ako? Hindi ako kagusto-gusto.


Nananatili sila sa tabi mo, sa akin hindi.
Gustung-gusto ka nila, ako hindi.
Mahal ka ng lahat, ako? Ano na'ng natira sa akin?
Lahat nalang napunta sa'yo, paano naman ako?


Ang hirap mong pantayan.
Ang hirap mong abutin.
Kahit anong gawin ko, walang-wala ako sa'yo.
Kahit anong pilit kong galaw, ipis lang ako, ikaw agila.


Ang taas-taas mo.
Ang galing-galing mo.
Lahat iniidolo ka.
Pero ako, alam ba kung anong pakiramdam ko?


Sobra-sobra akong nanliliit sa'yo dahil walang-wala ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon