P A A L A M

40 1 0
                                    

BABALA: HINDI ITO TULA. PURO WALANG KWENTA LANG ITONG SALITA. READ AT YOUR OWN RISK.

**

Ang sakit pala. Sobrang sakit pala. Kulang pa pala 'yung pag-iyak. Kulang pa 'yung hagulgol. Kulang pa lahat ng mga salita. Kulang 'yung oras. Kulang 'yung mga araw. Kulang pa silang lahat.

Bakit ang bilis? Bakit agad-agad? Bakit gano'n? Bakit mas masakit ngayon? Bakit ganito? Bakit?

Kulang pa lahat ng uri ng salita na alam ko, na alam ng utak ko, para mailarawan kung ano 'yung pakiramdam na ganito. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya. Ayoko.

Pero kailangan kayanin.

Paalam sa inyo. Kahit na sobrang ikli lang nu'ng panahon, minahal ko na kayo. Kapatid, matalik na kaibigan, pamilya. Kung anoman 'yung mga plano niyo, nandito lang ako lagi. Tahimik na susuporta sa inyo.

Hihintayin ko kayo.

Kahit gaano katagal. Kahit walang kasiguraduhan. Kahit hindi na kayo babalik.

Sun, salamat sa lahat-lahat. Kahit anong mangyari, mananatili kang kapatid ko. Salamat.

Moon, sabi mo wala kang emosyon. Pero alam ko, meron. Siguro, masyado lang nabaon pero deep down there, alam kong meron. Thank you kasi nakilala din kita. May existence ka. Hindi ko kakalimutan 'yon. Kapatid din kita.

Sky, thank you kasi nililigtas mo sila. Thank you kasi kahit magkaiba ang buwan at araw, niyayakap mo sila pareho. Salamat dahil lagi kang nandyan para sa kanila.

Salamat sa inyong tatlo. Salamat. At, paalam. Kahit masakit. Kahit mahirap. Pero, maghihintay ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon