Spoken 19: Kapit pa

61 1 0
                                    

"Kakapit ka parin ba, kung wala ka nang makapitan pa?"

Mahal ko. Ito ang tawagan nating dalawa.
Mahal ko. Ito ang simbolo ng ating pinangakuang pagmamahalan sa isa't isa.
Mahal ko. Dalawang salitang nagdurugtong sa puso nating dalawa.
Pero ngayong ang "mahal ko" ay naging "wala na", puso ko'y kakapit pa rin ba?


Alam mo bang umiiyak ako ngayon?
Alam mo bang sobrang nasasaktan ang puso kong nilunod mo sa mga pangakong tila nilamon na ng kahapon?
Alam mo bang nagdurugo ako ng sobra?
Kasi ikaw ang naunang nagsabi at nagbikas ng mga salitang "mahal kita".


Mahal? Bakit mo ako iniwan?
Mahal, bakit mo ako tinalikuran?
Bakit, mahal ko, iyong nilisan?
Bakit, ang puso kong ito'y, iyong sinaktan?


Nasasaktan ako nang lubos.
Ang puso ko'y parang naghihikahos.
Ang kaluluwa kong napapagod at parang kandilang unti-unting nauupos.
Ngunit ikaw, mahal, hindi ako binibigyang pansin dahil nilimot na ako na para bang dinaanan lang ako ng tubig na umaagos.


Gustung-gusto ko nang bumitaw.
Pagod na pagod na ang puso kong, sa sakit ay naghuhumiyaw.
Ayoko na'ng mahalin ka pa.
Ngunit mahal, ang sigaw rin ng puso ko'y, kapit pa.

Mahal, kakapitan parin kita kahit na tayo ay nagtapos na.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon