Spoken 35: Sana ako nalang siya

39 2 0
                                    

"Paano ba maging siya?"

Paano ba maging siya? Matalino ba siya?
Maganda ba siya? Payat ba siya? Kaakit-akit ba siya?
Paano ba maging siya? Paano ba?
Gusto kong malaman. Gusto kong maging siya.

Siya na pinaglalaanan mo ng oras.
Siya na ginagawan mo ng lahat.
Siya na pinakaimportante sa 'yo.
Siya na pinakamahalaga sa buhay mo.
Siya na pinakamamahal mo.

Gusto kong maging siya. Gusto ko ring makita mo ako.
Gusto ko ring maging mahalaga ako sa 'yo.
Gusto ko ring matakot kang mawala ako.
Gusto ko ring mahalin mo ako gaya nang pagmamahal mo sa kaniya.

Mahal kita. Mahal. Kita. Pero, mahal mo siya.
Paano ba maging siya? Paano ba?
Gusto kong maging siya. Siya na mahal mo.
Siya na laman niyang puso mo.
Gusto kong maging siya at ayaw kong maging ako.

Ako na takbuhan mo lang kapag nasasaktan ka sa kaniya.
Ako na takbuhan mo lang kapag may ikukuwento ka tungkol sa kaniya.
Ako na labasan mo ng sama ng loob dahil sa kaniya.
Ako na pansamantala mong unan kapag wala siya.

Paano ba maging siya? Sana ako nalang siya.
Sana ako nalang 'yung mahal mo at hindi siya.
Sana ako nalang 'yung inaalala mo at hindi siya.
Sana ako nalang ang pinaglalaanan mo ng oras at panahon.
Sana ako nalang. . . Dahil mahal kita, higit pa sa pagmamahal mo sa kaniya.

Sana ako nalang siya. . . Para mapansin mo rin ako.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon