Spoken 12: Paghihintay

113 2 0
                                    

"Kaya ko pa ba? Oo, kaya pa. Kahit ang totoo'y hindi na."

Hanggang kailan ba kita hihintayin?
Bakit parang napakahirap mong abutin?
Kinalimutan mo naba ang pangako mo?
Pinabayaan mo nabang tuluyan ang puso ko?


Maghihintay ako hangga't kaya ko.
Pero alam nating may limitasyon ang tayo.
Maaaring dumating sa puntong ang tayong dalawa,
Ay biglang maging "ikaw" at "siya".


Maghihintay?
Maghihintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan?
Parang isang tubig,
Walang katapusang pag-agos?


Bakit ba kailangan pang hintayin?
Hanggang kailan ba kita hihintayin?
Napapagod rin ako.
Pagod na pagod na ang puso ko.

Hanggang kailan ba ako manlilimos at maghihintay sa pagmamahal mo?

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon