Spoken 14: Paano

80 2 0
                                    

"Paano? Paano nga ba? Paano nga ba makalimot sa isang taong hindi naging iyo?"

Paano ba kita makakalimutan?
Paano ba kita mawawaglit sa aking isipan?
Paano ko ba makakaligtaang mahal kita?
Kung sa bawat paglayo ko'y siyang pagbibigay mo ng pag-asa?


Paano ba kita mabibitawan?
Paano ba kita lalayuan?
Paano ba kita aalisin sa aking puso?
Kung masyado mo akong inuuto sa mga salita mo?


Mahal na mahal parin kita.
Ikaw parin ang aking ginugunita.
Hulog na hulog parin ako sa 'yo.
Kahit pa alam kong, hindi ako ang nilalaman niyang puso mo.


Ako na lamang, pwede ba?
Kalimutan mo na siya, maaari ba?
Nandito naman ako.
Piliin mo na lamang ako.

Para mo nang awa, ako nalang kasi...

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon