Spoken 31: Kunwari

54 1 0
                                    

"Nakakapagod din pala, ano? Nakakapagod din palang mag-maskara."

Tawa ka nang tawa.
Ngiti ka nang ngiti.
Pero alam ba nila ang totoo?
Alam ba nilang basag na basag ka na ng todo?


Kunwari tumatawa pero sa loob umiiyak.
Kunwari nakangiti pero sa likod, nakakubli ang hikbi.
Kunwari kaya pa, pero ang totoo hindi na.
Kunwari maayos ang lahat pero ang totoo pala'y sa loob, sira na. Sira na lahat.


Siguro madali sa tao ang sabihing, "Kaya mo 'yan! Ikaw pa."
Napakadali sa kanilang sabihing, "Sisiw lang 'yan! Kaya mo 'yan! Sus."
Pero alam ba talaga nila?
Alam ba talaga nila ang pakiramdam ng buhay ka pero parang patay ka na?


Nakakapagod pala talagang magpanggap.
Nakakapagod pala talagang magkunwaring kaya mo pero kailangan mo talaga ng yakap.
Nakakapagod palang sobra—
—sobra na gusto mo nalang mawala.

Tama na. Ayoko na.

TintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon