Yowna’s POV
Pinalayas niya ako pero sorry siya, matigas yung ulo ko kaya ng makita kung umalis na siya papuntang school agad akong bumalik sa loob ng kwarto niya using the window parin.
Kanina dapat ako maliligo pero nagising siya at hayun pinapaalis na ako kaya itutuloy ko na lang yung ligo ko ngayon. Hindi naman yata maririnig sa labas.
Natapos na ako sa paliligo ng ma realized ko na hindi kop ala dala yung gamit ko kaya wala akong pamalit pero napatingin ako sa closet ni Xander.
Alam kung masamang mangialam ng hindi sayo pero no choice ako kaya kailangan kung halungkatin yung mga damit nito. Ng makita ko yung pink na box isang box ng mga underware pambabae!
>__< na inis ako. Kaya ginamit ko yung isa at itinapon yung iba. Hindi ako makakapayag na susuotin nito isa sa mga panty na ito kaya mabuti pang itapon ito pero kinuha ko yung isa para may magamit ako.
Isa lang naman eh
Tsaka kumuha na ako ng isang long sleve polo. Hindi na ako sumuot ng short kasi mahaba na rin yung polo. Mataas kaya si Xander. Yung height kung 5’2 sa tantya niya hanggang balikat lang niya ako.
Naghalungkat pa ako ng mga ibang gamit niya. Nakita ko yung mga picture ni Clyde at mga magazine na puros lalake. Lahat yun tinapon ko.
Mga pangbabaing gamit, tinapon ko rin. Para sure na hindi niya makikita or makukuha ulit. itinapon ko sa basurahan ng kapitbahay nila.
Hanggang humapon na at nasa loob lang ako ng kwarto niya magdamag. Walang kain-kain. Hindi naman siya pweding lumabas at kumuha ng pagkain.
Magnanakaw na talaga siya pag-ginawa niya iyon. Titiisin na lang niya yung gutom. Sanay naman siya eh.
*Yawn*
Mabuti pa yatang tulogan ko na lang yung gutom. Ilang saglit lang naka-idlim agad ako.
“Be strong honey”
“Mom?”
“Alam kung mararamdaman mo rin yung nawawala sayo ngayon.”
“Mom?” ulit kung tanong. Gusto kung makasigurado kung Mommy ko nga yung naririnig kung boses at nakikita ko yung isang babae na nakasuot ng magandang damit pero blurry ito kaya hindi ko makita yung mukha nito.
“Be strong.” ulit na sabi ng boses. Hindi siya pweding magkami. That was her mom’s voice. Hanggang naramdaman niyang may mainit na tubig na lumalandas sa pisnge niya.
“I miss you mom.” sabi ko habang umiiyak. Pagkabigkas ko no’n unti-unting nawala yung imahe at napalitan ng kadiliman. Isa lang naman yung meaning ng kadiliman…
Being alone.
Doon ako nakaramdam ng takot at hindi ko alam pero nagmulat ang mga mata ko at sumigaw ako sa sobrang takot na mag-isa na lang.
“Hey!” gising ni Xander sabay tapik ng balikat ko.
Natigilan ako ng makitang nasa tabi ko siya. Tiningnan ko siya at unti-unting namuo yung luha ko sa gilid ng mga mata ko. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak sa balikat niya. Naramdaman ko na hindi talaga ako nag-iisa dahil narito pa siya kahit alam kung ayaw niya sa akin pero hindi naman ako titigil hanggang hindi niya ako nagugustohan eh.
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...