Chapter 27: Ayaw ko na!

286 6 0
                                    

Yowna’s POV

Ang sakiiittt! ng ulo ko pagkagising kinabukasan. Nakita ko ang isang tray ng pagkain na may nakalakip na isang note.

For your hangover my princess J

Napangiti na lang ako. Ang sarap magkaroon ng ama. Kinuha ko yung tray at kinain yung pagkain at saktong-sakto ma init na sabaw nakaka relief!

Saka bumalik yung mga nangyari kagabi. Bigla-bigla nalang nag-flashback sa utak ko yung kagabi.

Masayang nag-uusap kami ni Carl ng mga oras na iyon ng biglang nasa harapan na namin si Xander. Hindi ko alam kung paano nito nalaman na narito ako sa bar ng mga oras na iyon. Sa pagkakatanda ko pinipilit ako nitong umuwi na pero nagmatigas ako at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko hinalikan si Carl. Maybe gusto ko lang siyang paselosin para ma feel naman niyang mag-selos minsan no!

hahaha

Sorry marami na yata akong haters dahil sa pinagga-gawa kong kagagahan, pero babawi ako sa inyo kaya be good to me na guys ha ^__^V

 Tapos sinuntok ito ni Xander. First time kung nakita itong sumuntok.

Kaya na nitong ipagtanggol yung sarili.

^__^

Lalaking-lalake na nga talaga ito.

Tinapos ko na yung pagkain ko saka tumayo na sa kama at nag-prepare na para pumasok sa school.

-------------------------------*School*---------------------------------

Ang sarap ng pakiramdam ko ^____^ hindi ko alam pero pakiramdam ko ang saya-saya ko ngayong araw at napag-isipan kung ngayong araw na ito ay patatawarin ko na si Xander. Pagkatapos ng stress na araw na iyon kahapon maybe it’s time na patawarin ko na siya total nalaman ko na rin yung totoo at nakita kung nag-selos siya kagabi at alam kung mahal na rin niya ako.

“Anyari?” tanong ni Karen ng pumasok ako sa classroom na nakangiti.

“Wala, happy lang.”

“Weeh? di nga? anong nangyari?”

“Wala nga basta masaya lang ako.”

“Tsk! ikaw talaga para kang ewan.”

“Ewan ko sayo…Teka nga nakita mo ba si Xander?” tanong ko.

tumingin ito at may kakaibang ngiti. “Bakit mo hinahanap? magkakabalikan na ba kayo?”

Binatukan ko nga. “Tange! hindi naman kami naging mag-on noon ako lang nag-assume no’n at hinahanap ko siya dahil ngayong araw na ito patatawarin ko na siya.” nakangiting sabi ko.

“Waaaaaahhh!! kinikilig ako! kinikilig ako!” nagtatalon ito parang baliw. “Ipo-post ko agad ito sa website ninyo at malaman agad ng madlang pipz yung mangyayari sa inyong dalawa!” sabi nito saka umalis na.

Kita mo yun! bigla nalang gomora! hindi pa nga sinasagot yung tanong ko kung nakita niya si Xander eh!

>__<

Kaya ako nalang naghanap sa kanya then nakita ko sa hallway yung limang babaing iyon noon sa may comfort room. Naka smirk yung babaing nilublob ko sa inidoro…yung kamay. Nakita ko  rin yung blackeye nito.

hahaha

nag evil smile naman ako.

“Hinahanap mo ba si Xander?”

napataas ako ng isang kilay. Bumulong agad yung isang kasama nito.

“Ay este Xander na pala ngayon.” saka tumawa.

anong nakakatawa?

ah baka natatawa siya sa sarili niya.

“We saw them in the greenhouse.”

“Them?” nagtatakang tanong ko.

“Yup!”

Natigilan ako. “Sino?” sarcastic kung tanong.

tumawa silang lima “Our prince CLYDE!” sabay-sabay silang lima. Agad ko silang iniwan at pumuntang greenhouse. Bigla kung naalala yung nangyari noon, napakasaya ko that time tapos may makikita nalang akong ganung sitwasyon.

Hindi kaya ma ulit muli iyon? habang hinahanap ko sila, kinakabahan ako at natatakot na baka may masaksihan muli akong makakasakit ng damdamin ko.

Nakaka-inis! bakit ba lapit ng lapit yung Clyde na iyon kay Xander? tapos tong gagong Xander naman nakikipag-close parin pagkatapos sa ginawa nito.

Dahan-dahan kung binuksan yung pinto ng greenhouse, blurry naman yung salamin ng pinto kaya hindi ka basta basta makikita kung may tao sa labas or sa loob. Pero pag bukas ko ng pinto, agad kung pinagsisihan iyon dahil sa pangalawang pagkakataon nakaramdam ulit ako ng…

sakit!

pa ulit-ulit niya ba itong gagawin? akala ko ba okay na bakit na naman ganito yung nasaksihan ko? magkayakap silang dalawa. Nakaka shiit lang! ang laswa tignan. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad akong lumabas.

Suko na ako! mahal ko siya pero mahina ako sa mga ganitong bagay. Ayaw ko na! T___T

Operation Back to Straight GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon