Chapter Nineteen: Connections

302 9 0
                                    

Xander’s POV

pagkagising ko kinapa ko yung katabi ko at laking gulat ko na lang ng wala akong makapa. Kaya napabangon ako at wala na nga akong katabi.

tumayo na ako at hinanap siya, walang sign na Yowna.

10: 43 AM na pala! napasarap yata ang tulog ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at nakita ko si Mommy nag-didilig ng halaman sa labas.

“Morning mom.”

“Morning, tinanghali ka yata ah.”

“Ang sarap ng tulog ko eh.”

“Kasi may katabi ka.”

“Speaking of katabi, nasan na po si Yowna?”

“Maagang umalis, nagmamadali pa nga at emergency raw.”

napakunot-noo ako. “Ano naman kaya nangyari doon?”

“She look sad nga kanina ng nagpaalam siya.” dagdag pa ni Mommy.

“Nasabi po ba sa inyo kung anong nangyari?”

“Hindi eh, nagmamadali nga, ang maganda hijo tawagan mo siya at alamin kung anong nangyari.”

“Bakit ko naman gagawin yun?”

“Sus! deny kapa eh halata namang gusto mo na si Yowna.”

“Ikaw mommy ha! nag-i-imbento kana.”

“Hindi no, may iba sayo anak at nakikita ko iyon sa mga mata mo kaya bilis na tawagan mo na si Yowna at alamin kung anong nangyari.”

bumalik na ako sa kwarto ko. Naligo na ako at pagkatapos kung maligo tila may nag-uutos sa akin na tawagan siya. Naglaban na yung isip at isip ko.

Pareho silang nag-laban at walang nanalo.

Hahaha

Sa huli hindi ako nakapag-pigil. Kinuha ko na yung phone ko sabay dial sa number niya.

“Hello?” nagtaka ako dahil may lungkot sa mga boses nito. Hindi lang ako sanay na ganito siya kasi sa tuwing kausap ko ito lagi siyang hyper or masaya, makulit…hindi tulad ngayon.

“May problema ba?” Narinig kung humikbi ito. “Where are you?”

“Ho..*sob* hope hospital.” sagot nito.

“Pupuntahan kita jan okay.” nagpaalam na ako at agad na nag-bihis. Hindi na ako nakipagtalo pa kung bakit ko to ginagawa ang mahalaga gusto kung nasa tabi niya sa mga ganitong sitwasyon.

Hope Hospital----

Binuksan ko yung pinto ng kwarto kung saan yung daddy nito.

“Yowna?”

Lumingon ito sa kanya saka patakbong lumapit sabay yakap at humagulgol. Hinagod ko yung likod niya.

“Xander si daddy!” umiiyak na sabi nito.

“Tahan na, I know gagaling yung daddy mo.”

“I can’t lose him Xander! siya na lang ang natitirang pamilya ko.”

Napakagat ako ng labi ko. Pakiramdam ko kasi nararamdaman ko rin yung pighating nararamdaman nito. Tila may connections na between us.

“Salamat Xander, mabuti nalang narito ka sa tabi ko dahil ikaw lang ang nagpapakalma sa akin kaya maraming salamat talaga.” nakangiting sabi nito ng kumalma na ito sa kakaiyak.

Nginitian ko lang siya. “Nahuli na ba yung bumaril sa daddy mo?”

“Hindi pa pero sinisigurado kung mahuhuli kung sino man yung gumawa nito.”

(Sisingit lang si Author okay ^__^

A/N: Ang plano ko ng una hanggang twenty chapter lang pero hayun ginanahan, ito tuloy gagawa pa ako ng ilang chapter nito. Kaya medjo tatagal pa yung kwento. Hope subaysayan nyo pa yung mga susunod na chapter ng pinakabago kung kwento

plz: (for online readers) leave some comments and kindly vote na rin

     (For ofline readers) sana puntahan nyo yung O.B.T.S.G sa wattpad at mag-iwan ng comments para malaman ko kung nagustohan nyo ba yung kwento at mahalaga rin sa akin yung designs lalo na yung cover ng kwento (Ang cute kasi eh,) hehehe…

Kung may mga wrong grammar or mga kung ano-ano jang error pasensyahan nyo na…na co-confused kasi ako minsan sa mga words na ginagamit ko lalo na yung mga may “ed” or “s”, turuan nyo nga ako guys… XD

^__^ thank you )

Operation Back to Straight GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon