Yowna’s POV
Bakit ba sumama-sama pa ako sa walang kwentang party na to? mabuti pa nag-paiwan na lang ako at pumunta kina Xander. Kaysa dito na gagawin ko lang buong magdamag ay mag-mukmok dahil
Helloooo!
Ako lang kaya yung kakaiba sa kanila. Mga business tycoon yung mga kasama ko rito at yung topic nila.
Waaaaahh!!
Nakaka-inis.
Hindi ko na tuloy natawagan si Xander dahil pinag-utos ng magaling kung ama na mag-bihis ako at kailangan kung sumama. Ano naman yung gagawin ko sa party na to? aber?
Mag se-senti na lang ako rito mabuti pa.
Natanaw ko yung isang pinto. Ewan ko kung saan iyon papunta pero mas mabuti yatang umalis muna ako rito. Tiningnan ko si Daddy at busy sa mga kausap niya.
Mabuti pa ang mga kausap nito, nginingitian niya pero yung anak niya hindi niya nagagawa iyon.
Nakakainis lang.
Bago ako lumabas, kinuha ko yung whiskey sa may mesa pati isang baso. Magpapakasaya ako mag-isa! Tsaka lumabas na.
^___^
kung sinswerte ka nga naman.
Papuntang pool pala yung pintong iyon at solong-solo ko yung lugar!
Yeaaaah!!
Nag-suot pa ako ng cocktail sa gabing ito. Ayaw na ayaw ko pa naman mag-suot ng mga ganitong damit. Hinubad ko yung suot kung converse.
(Ayos ah! cocktail tapos converse na sapatos? ang galing ng porma mo dude!)
Hahaha
Mas ayaw kung mag-suot ng mga sapatos na di takong. Kaya minabuti kung converse shoes nalang yung ginamit ko.
Na upo ako sa gilid ng pool at nilubog yung dalawang paa ko. Hindi kaya ako nito mapasma?
Who cares?! I just need to breathe some fresh air!
Binuksan ko na yung bote ng alak at tinungga. Hindi naman ako lasenggera pero nagiging ganun na rin ako sa tuwing mga ganitong sitwasyon na feeling O.P lang.
Inisang lagok ko lang yung isang baso ng whiskey. Napapikit pa ako ng maramdaman yung init na dumaloy sa aking lalamunan pababa sa aking sikmura.
“Waaah! ang tapang! sheeet!!”
Nilagyan kung muli yung baso. Tumingin ako sa taas ng langit.
“Sorry mom if I’m drinking so hard, kailangan ko kasi nito eh.”sabay inom ng alak. Ano na kayang ginagawa ni Xander ngayon?
Xander’s POV
*Yawn*
“Anong oras po ba tayo uuwi?” tanong ko kay Mommy.
“Mamaya pa kaya maghintay ka jan.”
“Na bo-bored na po kasi ako at ang init-init ng suot ko ngayon!”
“Tiisin mo muna anak.”
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...