Yowna’s POV
*Daddy’s calling!!*
*Daddy’s calling!!*
*Daddy’s calling!!*
Nagising ako agad ng marinig yung ringtone na iyon. Nilagyan ko kasi ng sariling ringtone kapag ito yung tumatawag.
Napatingin ako sa kaliwa ko. He’s still sleeping. Hinanap ko yung phone ko kung saan ito nagmumula. Nasa ilalim na pala ito ng kama.
“What?” tinatamad kung sabi sa kabilang linya.
“Is this Miss. Montesa? daughter of Mr.Montesa?”
Napakunot noo ako.
“Sino to?”
“Isa po akong nurse at napag-utosan akong tawagan kayo para ipa-alam na isinugod ang daddy nyo sa hospital.”
“What? saang hospital?” napatayo ako ng kama.
Agad naman nitong sinabi kung saang hospital. Kinuha ko yung coat na nasa isang banda. Hindi na ako nakapag-paalam kay Xander dahil mahimbing na natutulog pa ito at alam kung pagod ito dahil siya yung nag-alaga sa kanya habang lasing siya kaya hindi na niya ginising ito.
Nakita ko si Tita na nagluluto.
“Aalis kana hija?” tanong nito.
“Opo, may emergency po kasi at pakisabi nalang kay Xander na salamat, aalis na po ako tita.”
Pagkatapos kung magpaalam ay agad akong nag-hanap ng taxi mabuti naman at hindi mahirap makahanap ng taxi ng mga oras na iyon.
“Hope Hospital nga po manong.”
“Yes ma’am”
Ilang oras lang ay nakarating na kami, binayaran ko na yung taxi at pumasok sa loob. Agad akong nagtanong kung saan yung kwarto ng daddy ko. May isang nurse na sumama sa akin para samahan ako sa kwarto ng Daddy ko.
“Narito na po tayo ma’am”
“Salamat nurse.”
kinakabahang binuksan ko yung pinto, kahit malaki man yung galit ko sa ama ko hindi ko naman maikakaila na he’s still my father kaya hindi ko maiwasan na mag-alala at matakot kung anong kalagayan nito.
pumatak ang mga luha ko ng makita si Daddy na nakahiga sa hospital bed at walang malay. Parang ganitong-ganito lang yung nangyari noong nagkasakit si Mommy. Huwag naman sanang ma ulit yung nangyari noon.
Paano na lang ako?
“Ano pong nangyari? Kamusta na po si Daddy?” agad kung tanong sa Doctor.
“Nabaril siya ng madaling araw at ang masama doon natamaan yung isang kidney niya hija kaya hindi pa namin masasabi na he’s out in danger, under observation pa siya sa ngayon.”
“Please doc! Save my dad!”
“Yes hija.”
“Salamat po.” lumabas na ito.
Lumapit ako kay daddy, hinawakan yung kamay niya. I hate him so much but I still loved him even he doesn’t love me. He’s still my dad. Galit ako sa kanya dahil hindi niya pinaramdam yung pagiging ama niya, pinabayaan niya ako, iniwan niya kami ni Mommy pero lahat ng iyon…kaya kung kalimutan at patawarin siya dahil unang-una siya nalang yung nag-iisang kapamilya ko kaya hindi ko makakaya kung pati siya mawawala.
“Please dad get well soon, mag-uusap pa tayo at aayosin pa natin yung problema natin mag-ama kaya huwag na huwag mo akong iiwan dahil magagalit na talaga ako ng sobra sayo!” liham na pala yung mga mata ko ng luha. Napahagulgol na ako ng iyak.
Kung sino man ang gumawa nito sa daddy niya, magbabayad siya ng malaki!
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...