Chapter 30 (Finale): Happy Ever After

454 3 0
                                    

Yowna’s POV

Ng makarating kami sa bahay, nasa living room daw si daddy kaya pumasok na kami doon. Natatawa nga ako kay Xander dahil natatakot daw ito at hindi siya prepared!

“Bumabalik kaba sa pagiging gay mo boyfriend?” sabay tingin ng matalim.

Agad naman itong umiling-iling.

“Good!”

Pumasok na kami sa loob ng living room, kailangan ko pa siyang kaladkarin para pumasok.

“Magandang gabi daddy!”

Tumingin ito sa amin tapos tiningnan si Xander.

“Is he the lucky guy?” nakangiting tanong ni Daddy.

“Yes dad.”

tumaas yung kilay ng daddy niya.

“Ikaw ba yung nagpaluha sa anak ko?” nag-iba yata yung boses ng daddy ko. Pero ng tingnan ko yung mukha ni Xander natuwa nalang ako. Pakiramdam ko nanginginig na ito sa takot. I don’t know bakit ganito na lang yung takot nito kay Daddy. Sabagay nakakatakot naman talaga yung mukha ni dad pero sa totoo he’s a good person.

“S..sorry po sir pero pinapangako ko po na hinding hindi na iyon ma uulit dahil mahal na mahal ko poi tong anak ninyo.”

ang bilis niyang magsalita.

Hahaha

Tapos ngumiti si dad at nawala yung scary looks nito.

“Mabuti naman at sinabi mo iyon agad hijo.” tapos tumawa ito.

“Relax Xander, sinusubukan ka lang ni Daddy.” natatawa ko namang sabi sa kanya.

“Masaya ako at nakilala na kita, alam mo bang ilang balde na yung na iluha ng anak ko dahil sayo kaya masaya ako dahil ngayon nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kasaya ngayon kaya huwag mo sanang sayangin yung tiwalang pinagkaloob ko sa iyo hijo.”

Napangiti si Xander. “Opo sir! pangako hindi ko sasayangin iyon.”

“Call me tito Norman hijo.”

“Thanks tito Nornamn nice meeting you na rin po.”

“Me too hijo.” saka nag-kamay silang dalawa.

Nagpaalam na kami ni Xander kay daddy, may kailangan pa raw kasi itong tapusin kaya hindi na namin siy inistorbo pa.

“Kailangan ko ng umuwi.” sabi ni Xander ng nasa labas kami ng pinto ng living room.

Napangiti ako ng pilya, inakbayan ko siya.

“Sinong nangsabing uuwi ka ngayong gabi?”

“Hala! may masamang balak ka na naman no?”

Nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya at bumulong.

“Let’s make love.”

Agad itong lumayo sa akin habang nanlalaki ang mga mata.

“Lasing kaba Yowna?” tanong nito.

Natawa naman ako sa reaction niya.

Operation Back to Straight GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon