Yowna’s POV
Tatlong araw na hindi ako pumasok dahil hindi ko parin kayang makita yung pagmumukha ni Xan…
ERRRR!!
Kainis! bakit hindi ko kayang banggitin yung pangalan nito sa pinaka-ayaw ko! kaya “tao” na lang yung papangalan ko sa kanya dahil sa kadahilanang ito.
(ARTE much?)
*DEEP SIGH*
Natuon yung pansin ko sa suot kung singsing at natanong ko sa sarili…
Bakit suot ko pa tong singsing na to?
Tatanggalin ko na sana ng kusa akong tumigil at na realize na hindi ko kayang itapon ito. Mahal kaya nito!
Joke lang!!
(Ay! akala ko ba galit? eh bakit mukhang loka-loka na tong heroine ko?)
Hindi ko siyang kayang itapon ng ganun-ganun nalang dahil kahit papano may masaya namang alaala itong bagay na to at ito yung pinaka-unang bagay na pinasadya ko at inspired sa isang tao.
Kaya hinubad ko yung suot kung kwentas at nilagay yung singsing kasama yung original na pendant nito.
Teka? diba dapat kalimutan ko na siya? eh bakit tinatago ko pa tong letseng singsing na to?!
(Aba malay namin sayo -___- )
T___T
Bully talaga tong author na to…
Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok si daddy.
“Ano bang problema ng anak ko?” tila parinig yung pagkasabi nito habang nakatingin sa may bintana ng silid ko.
“Wala naman po akong problema.” sabi ko nalang.
Tumingin ito at lumapit sa akin, na upo sa gilid ng kama. “Hindi man kita lubosang kilala anak pero ramdam ko na may problema ka at ama mo ako kaya pweding-pwede mong ibahagi yung bigat jan sa loob mo.”
Bumuntong hininga ako. Sabagay tama si Daddy, kailangan ko ng makakausap sa kalagayan kung ito.
“Tanda nyo pa po ba yung sinabi kung may ipapakilala ako sa inyo?”
“Oo naman, hinihintay ko nga iyon pero wala, ikaw yata yung nakalimut anak.”
pilit akong ngumiti. “That day doon ko tinapos lahat sa amin kahit wala naman talaga akong tatapusin dahil for the first place hindi naging kami at ako lang talaaa yung nag-assume na mag-on kami.” yung pilit na ngiti kanina tuluyan ng nag-laho at napalitan ng lungkot.
Lumapit ito saka hinawakan yung kamay ko.
“Ano bang nangyari?”
“I saw him kissing another…guy.” saka yumuko. Masakit parin hanggang ngayon. Maalala ko lang yung nakita kung iyon noon, tila may kumukurot sa puso ko ng pa ulit-ulit. “Mali nga po akong pilitin siyang ibalik sa dati, at sana hindi ko nga iyon pinagpilitan pa dahil sa tuwing nakakasama ko siya hindi ko namalayang mahal na mahal ko na siya kaya heto tuloy ako, bokya.” sarkastik na yung boses ko sa huling salita.
Natawa yung daddy niya.
“Pag-subok lang to hija, susuko kana ba agad?”
napa-isip ako sa sinabi nito.
“Kami ng mommy mo maraming pagsubok na pinagdaanan bago kami nagkaroon ng happy ending, kasi malaking tulong din yung pagsubok sa isang relasyon dahil doon lang magiging mas matibay yung relasyon ninyo, parang sukatan iyon kung gaano ninyo kamahal yung isa’t isa.”
“Eh bakit yung iba?”
“Hindi lahat ng tao, may happy endings pero kung mahal nyo yung isa’t isa kakalabanin ninyo yung tadhana para magkaroon lang ng ganun at syempre mahalaga rin na matatag yung pagmamahalan ninyo dahil yun lang yung laban ninyo para manalo kaya may natatalo dahil sa una palang hindi na matatag yung pagmamahalan nila sa isa’t isa.”
“Wow! your amazing dad! hindi ako makapaniwalang your talking about love.” nakangiti kung sabi.
Napangiti naman yung daddy ko. “Nasanay ka kasing serious at galit ako kaya hindi mo nakilala pa yung ibang sides ng daddy mo.”
“Don’t worry dad, makikilala na natin yung isa’t isa dahil bati na tayo.” saka yumakap sa kanya. “Thanks dad, you’re the best.” saka hinalikan ito sa pisnge.
“So ipapakilala mo na ba yung the lucky guy sa akin?”
Nag-isip pa ako kunwari…
“Hmmm…not now dad, gusto kung makita sa kanya kung totoong mahal niya ako at pahihirapan ko rin siya tulad ng ginawa niya sa akin noon.” saka ngumiti ng pilya. Mahal ko siya pero hindi naman ako basta-basta ko na lang siya patatawarin, syempre dapat bigyan ko rin siya ng konting hirap.
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...