Yowna’s POV
Kinaumagahan may natanggap akong tawag na nahuli na yung may sala. Si Mr. Carillo daw yung bumaril kay daddy, agad kung sinabi iyon kay daddy at baka sakaling kilala niya ito.
At tama nga, isa ito sa mga ka kompetensya niya sa trabaho. At matagal ng may galit sa daddy niya dahil na iinggit ito sa daddy niya dahil successful na yung business nito habang sa kanya ay palubog na. Agad na sinampahan namin ng kaso si Mr. Carillo dahil sa krimeng ginawa nito.
Masaya kami ni daddy dahil nagkaroon ng hustisya yung nangyari sa kanya.
“Papasok na po ako daddy.” paalam ko at humalik sa noo nito.
“Mag-ingat ka my princess.”
“I will dad, you too and don’t forget your medicine.”
“Yes nurse!” natatawang sabi nito.
Paglabas ko ng bahay agad na inabot ni Daniel yung susi ng kotse ko. Nag-seat belt na ako saka umalis na. Baka mahuli pa ako sa special exam ko.
“Well well well, bumalik na yung rapist ng mga bakla.” mataray na salubong ng tatlong babae. Sila din yung tatlong babae sa previous chapters. Sila na yata yung kontrabida ng buhay ko.
“Sinong bakla?” nakangiting tanong ko. May kasabihan na ngitian mo yung mga kaaway mo at siguradong sasabog sila sa inis.
“Duuhh! you forgot about Xandy?”
Tiningnan ko sila ng masama ng marinig ko yung pangalang iyon. Nilapitan ko yung nasa gitnang babae na nagsasalita. Ilang inches lang yung pagitan ngmin.
“Pag inulit mong muli yung pangalang iyon…” tumingin ako sa taas ng rooftop. “Ibibitay kita patiwarik doon.”
“What! are you crazy?!” iritang singhal nito.
“Crazy na kung crazy pero hindi ako makakapayag na tawagin mo sa pangalang iyon si Xander! maliwanag?!” sabay hawak ng mahigpit sa isang braso niya.
“Ouch! your hurting me! help girls”
Abot langit talaga yung kaartehan ng babaing ito. Hindi ito tinulongan ng dalawang kasama bagkus nagsitakbuhan ang mga iyon.
“Pano ba yan mag-isa ka na lang.”
“Waaaahh! isusumbong kita sa boyfriend ko!” tili nito.
“Mag-sumbong ka! itali ko pa kayo pareho eh!” saka binitiwan na siya at hayun nagmamadaling umalis sa harapan ko. Siguradong hinding-hindi na yun lalapit sa akin.
Swerte niya may kukunin akong exam at kailangan kung mag-madali. Tiningnan ko yung wrist watch ko at may 15 minutes nalang akong natitira.
Hindi ko pa nakikita si Xander pero sigurado namang nasa tabi-tabi lang yan.
Napabuntong hininga ako ng matapos ko lahat-lahat ng mga exams. Halos ilang oras din iyon at nagkaroon na ng bagyo yung utak ko sa sabay-sabay na exam. Makapasa sana lahat iyon.
Hindi ako sigurado sa sagot ko eh.
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...