Clyde’s POV
(A/N: Unexpected to na magkaroon ng POV tong Clyde na ito pero dahil part siya ng kwento kaya pagbibigyan kung magkaroon din siya ng POV dito…maikli nga lang…hahaha syempre kailangan niyang mag-explain sa lahat ng pinag-gagawa niyang kagaguhan.)
GUILTY naman ako sa paratang ninyong lahat. Tinatanggap ko kung ano man yung tawagin ninyo sa akin. Tatanggapin ko dahil ako naman talaga yung may kasalanan.
(Mabuti naman at alam mo)
*DEEP SIGH*
Nagmahal lang ako author, mga readers. Hope you all understand
:(
(Ganun ba yung tamang pagmamahal? umiling ka!)
Umiling ako.
Sa una palang makita ko si Yowna, pinatibok nito yung puso ko. Sa lahat ng mga babaing nagkakandaloko-loko sa akin siya lang ang bukod tangging lumiliwanag sa paningin ko. Kaya pinangako ko sa sarili ko na mapapasa-akin ko siya at confidence akong makakamit ko iyon dahil may looks naman ako na kinababaliwan ng lahat.
(Woooo! ang hangin!)
Seryuso ako!
(Ah..sorry!sorry! ;p)
*clears throat*
Pero hindi ko inaakalang ang hirap niya abutin. Ibang iba ito sa lahat ng mga babae dahil waley lang sa kanya yung kagwapuhan ko. Hindi nga nito ako pinapansin maski isang tingin hindi nito binigay sa akin.
Kaya ng magkaroon ako ng chance na magtapas sa kanya noon sa cafeteria pero binusted niya ako agad-agad. Pina-abot nito na wala akong mapapala sa kanya. Nadurog yung puso ko ng araw na iyon.
Pero mas nadurog yung puso ko ng malamang nagkaroon ito ng interest kay Xandy na Xander na ngayon.
Kaklase at Kaibigan ko si Xander first year college palang hanggang ngayong 2nd year na kami at dahil sa ginawa ko hindi ko alam kung magkaibigan parin kami pero itatanong ko pa ba iyon eh halata namang hindi na kami magkaibigan dahil sa ginawa ko.
(A/N: SORRY hindi ko nabanggit kung anong status nila sa school.hahaha nakalimutan ko eh kaya dito ko na lang sasabihin.
1st year
*Yowna
*Karen
2nd year
*Xander
*Harry
*Clyde
*Five evil arte girls (Yung sa may comfort room)
Yung nabanggit jan ay yung mga laging kasama nilaexcept sa five evil arte girls, napasama lang sila, kung baga EXTRA lang! manood kayo movie ni ate V tapos kwento nyo sa akin. hahaha walang sinehan dito eh XD)
Hindi ko talaga tanggap iyon na sa isang bakla lang ito nagka-interest habang ako ay never siyang nagkaroon ng interest. Hindi ko masasabing bakla na as in totally gay si Xander that time kasi hindi naman siya masyadong ladlad hindi tulad ng iba. Hindi tulad ni Harry.
Basta parang nasa average level palang ito.
Kaya nakaramdam ako ng lihim na pagka-inis sa kaibigan ko kahit alam kung pilit nitong tinataboy si Yowna. Nagseselos din ako dahil inaaksayangan nito ng oras ito habang narito naman ako at handang mahalin siya kaya ng hindi na ako nakatiis pa.
Gumawa na ako ng paraan at na iplano ko iyon. Ng marinig ko yung boses ni Yowna sa labas ng court agad kung hinanda yung sarili ko, alam kung nakaka-laswa ito pero gagawin ko makuha ko lang yung gusto ko kaya walang-sabi-sabing hinalikan ko si Xander at sakto naman dahil pumasok na sa may pinto ng locker room si Yowna.
Nagka-gulo na sila. Habang ako hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Lumabas ako ng court nang lumabas na yung dalawa.
Gulong-gulo ako sa ginawa ko. At hayun na nga yung nangyari pinagsusuntok ako ni Xander. Hindi ko inaasahan na ganun pala ito kalakas sumuntok hindi ko iyon napaghandaan. Kitang-kita ko sa mga mata nito yung galit.
Ewan ko ba at hindi pa ako nakontento ng sumugod naman si Yowna sa akin isang araw. Dahil sa selos na naman yata kaya hindi ko napigilan yung sarili ko at nakapag-bitaw ako ng masasakit na salita tungkol dito at kay Xander.
Doon ko na realize na maling-mali ako na hindi ko dapat harangan o sirain yung nagmamahalan. At tanggapin na wala sa katauhan ni Yowna yung babaing nararapat sa akin dahil may nakalaan na rito kaya dapat na akong tumigil sa kahibangan ko dahil wala akong mapapala.
Kaya kinabukasan hinanap ko si Xander at tinuro naman ng isang kaklase nito na nasa greenhouse daw ito at tinatapos yung project nito kaya pinuntahan ko agad ito.
Ng makita niya ako.
“Don’t worry Xander wala akong gagawing masama pumunta ako rito para makipag-bati at humingi ng tawad sa nagawa ko at pinapangakong hindi na ako makiki-gulo sa inyong dalawa ni Yowna.” seryusong sabi ko.
kumunot noo ito tila hindi parin kumbinsido.
“Handa kung tanggapin yung suntok mo Xander mapatunayan ko lang na seryuso ako sa sinasabi ko.”
“Hindi ko alam kung mapapatawad kita Clyde dahil yung ginawa mo kasi masakit iyon, hindi sa akin kundi kay Yowna, doon ako nagalit sayo dahil sinaktan mo siya sa paghalik mo sa akin! napaka gago mo!”
“Alam ko iyon.”
hindi ko alam pero na iyak ako. Ako na yata yung bakla sa aming dalawa.
“Mapapatawad kita kung hihingi ka rin ng tawad kay Yowna.”
“Oo gagawin ko iyon.”
Ngumiti ito. “Mabuti naman at natuto ka na ng leksyon mo.”Napangiti na rin ako. Gumaan-gaan na rin yung bigat sa puso ko ng makita ko siyang ngumiti.
(Ikaw na nga yata yung bakla Clyde! OMO!)
“Magkaibigan parin ba tayo?” tanong ko.
“Dahil humingi ka ng tawad at natuto ka na ng leksyon mo...” nag-isip pa ito. “Friends!” tapos nito.
Sa sobrang tuwa ko nayakap ko siya. Lalaking yakap naman yung lagay ha! hindi yung malaswang yakap. Basta yung yakap ng machong lalake.
(Hahaha)
Mahinang tinapik nito yung balikat ko.
“Lumayo ka na nga baka may makakita pa sa atin at isipin pa ng kung-ano-ano na yung ginagawa na naman natin.” biro nito.
Lumayo nga ako. “Salamat talaga Xander!”
“Basta humingi ka ng tawad kay Yowna.”
“Oo, pangako!”
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...