Xander’s POV
Ang sarap ng tulog ko. Hindi ko alam kung bakit pero masarap talaga lalo na’t may mabangong humahalimuyak sa aking ilong. Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko.
waaaaaahhh!!
Paano?
Naka-unan na ito sa isang braso ko habang nakayakap sa sexy body ko pero bakit pati ako?
Nakayakap?
shit!
Di kaya pinikot ako nito?
(Pikot agad??)
Nakayakap yung isang braso ko sa kanya pati na rin yung mga paa ko. Itutulak ko sana siya ng maamoy ko yung buhok niya.
Ano kaya yung shampoo nito? mabango eh! masarap langhapin! inamoy ko tuloy yung buhok niya.
“You love my smell.” bulong nito.
Natigilan ako at tiningnan siya. Nakapikit parin ito pero may ngiti sa mga labi. Bigla tuloy na alala yung sinabi nito kagabi.
“I never felt this before.” pabulong lang iyon pero rinig ko yun ha! syempre ang lapit namin sa isa’t isa kaya pano ko hindi maririnig.
tsk!
“Being protected.”
Ano bang klaseng pamilya meron ito? Tinanggal ko na yung kamay kong nakayakap sa kanya at tumayo na. “Tsansing kana kagabi pa ha!”
Pumasok na ako sa banyo. Nakakatawa lang isipin na takot pala ito sa kulog. Matapang siyang babae na may pagkalukaret at walang inisip kundi halayin ako. Yun pala may weakness din ito.
HAHAHA
Nakatsansing tuloy ito kagabi. -___-
Paglabas ko ng banyo naka-bihis na ito. Yung suot nito ng una ko siyang makita dito sa kwarto.
“Aalis na ako, matatapos na rin yung suspension ko kaya kailangan ko ng bumalik sa bahay namin kaya salamat sa pagpapatuloy mo sa akin paki sabi na rin sa parents mo thank you.” at lumabas na using my window.
Pusa ba ito? sa bintana kasi yung pintuan eh. Pwede naman siyang lumabas ng bahay gamit yung pinto diba?
*Sigh*
then ilang saglit lang ng katahimikan bigla akong…
Napangiti.
“Yes! wala ng maingay.”
Akala nyo kung ano na no? hahaha asa!
Back to normal na yung lahat, wala ng maingay at mangungulit sa akin.
^___^V
(Feeling nito!)
Naghuhugas na ng pinggan si Mommy ng pumunta akong kusina.
“Morning mom.”
“Morning” lumingon ito. “Where’s Yowna?”
“She left, at nagpa thank you dahil pinatuloy natin siya dito.”
“Umalis na?”
“Opo, babalik na daw siya sa bahay nila.”
“Hindi man lang siya nag-almusal.”
“Lukaret po kasi yung babaing iyon kaya huwag na kayong magtaka.”
Napansin kung napangiti si Mommy.
“What is it Mom?” tanong ko.
“We saw you both hugging each other.”
“Ah wala poi yon.”
“Do you love her son?”
Nabulunan ako ng marinig ko yung love na salita.
“Mom!” saway ko.
“What?” natatawang tanong nito.
“I don’t love her, she even not my girlfriend she was just my stalker.”
Nalungkot naman yung mommy niya. “Pero bagay kayo hijo, we like her for you.”
“But I don’t like her, I like someone na.”
“Really? a girl?”bigla ulit sumaya yung expression ni Mommy
“No.”
Muling lumungkot na naman yung expression ni Mommy.
“Aalis na nga po ako.” paalam ko. Baka san na naman mapunta yung usapan namin eh. Mabuting umiwas agad.
Yowna’s POV
“Mabuti naman at na isipan mong umuwi sa bahay na ito.” bungad agad ni Daddy ng umuwi ako.
“Tsk! kung pwede ngang hindi na ako umuwi eh!” mahinang sabi ko.
“What did you say?”
“Nothing, papasok na ako sa kwarto ko.”
“Jan ka naman magaling eh! magkulong sa kwarto mo”
Nilingon ko si Daddy. “Ikaw rin nga eh, sa business ka lang magaling, may kanya-kanya tayong kagalingan dad.” saka tinalikuran ko siya at patakbong pumunta sa taas.
Nahiga agad ako sa kama.
Ano na kayang ginagawa ni Xander?
Kung hindi lang sana matatapos yung suspencion ko, hindi pa talaga ako uuwi sa bahay na ito!
Yung mga gamit kung na iwan kina Karen nasa mesa na. Kinuha yata nito noong nag-punta siya sa bahay ng bestfriend niya. Doon lang niya na alala yung kaibigan niya.
Tinawagan niya ito. Masyado siyang nag-enjoy kasama si Xander.
“Kamusta kana Yowna?”
“Okay lang, umuwi na ako kasi matatapos na yung suspencion ko at babalik na ako muli sa lunes.”
“Okay lang ba kayo ng daddy mo?”
Napangisi ako. “Kailan pa kami naging okay ng ama ko?”
“Sabagay.”
“Thanks nga pala sa lahat Karen ha, paki sabi kina Tito at tita na sorry sa abala at salamat na rin.”
“Okay.”
“Oh siya, may klase pa kayo kaya ba-bye na.”
Pinutol ko na ang linya. Napatingin ako sa kisame. Ganito lagi yung ginagawa ko sa tuwing nagkukulong ako sa loob ng malaking kwartong ito na tila naging kulongan ko na sa mahabang panahon na naririto ako sa bahay na ito.
Napakalaking bahay pero mararamdaman mo na may kulang.
(Singit lang si Author...
Dont forget to leave a comment :) or vote na rin! tnx)
BINABASA MO ANG
Operation Back to Straight Guy
Teen FictionYou fall in love in a wrong guy ang drama 'ko dito. Hindi dahil taken siya o merong asawa na siya kundi isa siyang UP-COMING Gay. Ano kamo 'yon? Madali lang. In-short nag b-bloom na binabae. Lintek na pag-ibig oh! Oh siya, let's do this operation B...