Chapter 25: New Enemy!

307 6 0
                                    

Yowna’s POV

Matapos yung isang linggong hindi pag-pasok sa school napag-desisyonan kung bumalik na, dapat nga noong Thursday na dapat ako papasok pero tinamad lang talaga ako kaya Monday nalang.

Hahaha…

Kamusta naman kaya mga tao dito sa campus?

Pinark ko na yung kotse ko at may apat na lalaking lumapit sa akin at tig-isa-isang nagbigay ng pulang rosas at may inabot yung unang lalaki na isang card.

Binuksan ko iyon, at sunod-sunod na silang apat.

S

O

R

R

“Sorr??” nagtatakang bigkas ko.

“May kulang pa.”

Napalingon ako sa narinig kung boses. Hindi ko alam kung mapapangiti ako dahil sa wakas nakita ko na siya, ilang araw ding hindi ko to nakita. Pero agad ko rin winaglit iyon sa isipan ko dahil may kailangan pa akong gawin sa kanya.

Tiningnan ko siya na may galit sa mga mata.

Inabot nito yung isang boquet ng rosas at may inabot na card.

Y

“Sorry.” pagko-kompleto nito.

Sarcastically I smiled to him. “Sa tingin mo ba mapapatawad kita sa salitang sorry? at ang luma-luma na ng ginawa mo! panahon pa ng lolo at lola ko to! tsk!” saka binitawan yung mga binigay nitong rosas at cards.

HARSH ba? Tsk! tiis-tiis lang muna.

Nakaka-ilang hakbang na ako at nalagpasan ko na rin ito ng lumingon ako sa kanya. Malungkot na nakatitig ito sa mga bulaklak at cards na nasa daan.

Susuko kana ba Xander?

I can finally call him Xander! ang galing kasi ni Daddy eh.

^____^V

Pumasok na ako sa room at doon ako sinalubong ni Karen at halatang may chika na naman ito. Sa mukha niya palang alam ko na.

“Best may chichika ako sayo!”

“What’s it?”

“Napuntahan mo na ba yung website ninyo ni Xander?”

“What?”

“Oh my! so hindi mo pa alam na may website kayo at patok na patok ngayon sa campus at sa ibang part ng Philippines??” disappointed na tanong nito.

Umiling ako.

“Absent ako ng limang araw Karen at wala akong kabalita-balita sa nangyayari sa campus kaya pano ko malalaman yung tungkol sa website na yun?”

“Sabagay may tama ka.” saka tumawa ng parang loka-loka. “Alam mo bang ang dami nang nagmamahal sa inyo at naghihintay na magkaayos kayong muli?”

“Sino naman gumawa ng kalokohang iyon?”

“Sino pa? di si Henry! yung b.f.f ng boyfee mo!”

Operation Back to Straight GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon