HM #1

167 5 0
                                    

CHAPTER 1

"Mommy, Daddy! Una na po ako!! I love you both!" paalam ko sa kanila at dumiretso na ako sa Latrop Academy kung saan ako pumapasok.

Ang Latrop Academy ay medyo weird na school. I don't know why? Noong una kong pasok dito, or noong nagtransfer ako, pagtungtong na pagtungtong ko pa lamang dito sa tapat ng gate. Lahat ng mga estudyante na nadadaanan ko na nagsisitawanan at masaya ay nag-iiba ang aura kapag nakikita ako. And kahit nadaanan ko na sila, I can feel na sinusundan pa rin nila ako ng mga tingin nila.

Pero dahil nasanay na ako at almost 1 year na akong napasok dito, hindi na lang ako nangialam kung ano man ang galit o inis ang meron sila sa akin. Since the day na pumasok ako rito, wala nang masyadong kumakausap sakin maliban na lamang sa mga kaibigan ko at yung iba kong kaklase na mabait naman sa akin.

Nakikipag-usap naman ako sa mga students dito kapag alam kong hindi galit sa akin. Paano ko nalalaman? I don't know either. Malakas ang sense ko at nagiging dahilan ito para maramdaman ko ang mga taong nasa paligid ko. Inborn na yata itong sense na ito. At ang saya sa feeling! Kasi kapag ginabi ka ng uwi mararamdaman mo na lamang kung may mga taong nakamasid sa iyo kahit gaano man sila kalayo. Yeah, ganon kalakas ang aking sense na hindi katulad ng iba na mararamdaman lamang nila kapag malapit na sa kanila.

Aish! Mamaya na ulit ang kwento. Nandito na nga pala ako sa LA and as usual lahat ng madadaanan kong students ay tumitigil sa kanilang ginagawa at napapatingin sa akin at minsan nararamdaman ko ang galit sa kanilang aura.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at saka pumasok na sa Star-4a na section ko.

"Goodmorning, President Scarlet!!!" bati ng isa kong kaklase na walang galit sa akin.

"Goodmorning!" nginitian ko siya at pumunta na ako sa aking upuan.

I'm the president in this section. Ako agad ang kinuha nilang president kahit bago pa lamang ako rito. Hindi ko nga alam kung bakit?

"Excuse me, Scarlet. May nagpapasabi na may bagong transferee dito sa ating section. One girl and one guy." sabi ng isa kong kaklase na hindi naman mainit ang loob sa akin pero ang bilis mag-iba ng mood kapag nainis ko siya.

Tumango lamang ako sa kanya at nginitian saka siya umalis.

May bagong transferee? Ano kayang welcome sa kanila ng mga estudyanteng nasa campus pa? Katulad din kaya sa akin?

*Flashback*

Pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay nakita ko ang mga estudyanteng nagtatawanan at nagkwekwentuhan at nang makita nila ako ay naramdaman kong nag-iba agad ang kanilang mood.

Lahat ng madadaanan ko ay ganon at iisa lang ang ginawa nila.

Ganon ba sila mag-welcome kapag may bagong transferee? Hinanap ko kaagad ang aking section which is Star-4a daw. Hindi ko naman maitanong sa mga students dito kung saan yon dahil nakakatakot ang mga tingin nila sa akin na kulang na lamang ay patayin ako.

At mabuti na lamang ay agad ko nakita ang section na yon at nilingon ko kaagad sa bintana ang mga students na nandoon. Nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Pero nag-iba din noong pumasok ako sa room.

Naghanap agad ako ng upuan na kung saan may bakante pa dahil first day of school pa lamang naman ito kaya wala pang nagmamay-ari ng upuan na iyon. Nakahanap din naman ako kaya umupo na agad ako at ramdam kong nakatingin pa rin sila sa akin kaya tiningnan ko silang lahat at yung iba ay umiwas ng tingin.

"Weird..." sabi ko at tumingin na lamang sa labas sa may bintana dahil dito ako pumwesto sa hulihan sa may tabi ng bintana dahil favorite place ko ito.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon