HM #42

18 2 0
                                    

CHAPTER 42

(Scarlet's Pov)

"Scarlet! Please! Kahit ngayon lang! Payagan mo naman ako!!" Pilit ni Vladimir sa akin pero patuloy pa rin ako naglalakad palayo. At ramdam kong sinusundan niya ako.

Kanina pa niya akong kinukulit. Gusto niyang pumayag ako na magka-ayos na kami. Pero hindi! Alam kong may plano siya sa aking masama!

"Scarlet!!" Dahil sa mahaba ang legs niya, naabutan pa rin niya ako.

Hinarap niya ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ba?! Diba sinabi ko nang layuan mo na ako?! Diba sinabi mo nang iwasan mo na ako?! Masasaktan ka lang! At ayokong mangyari yun!" Halata sa kanyang mga mata ang sakit pero binalewala ko lang iyon.

"Bakit ba ayaw mo? Anong pake ko kung masasaktan ako? Alam mo ba na sa ginagawa mo sa akin ay mas nasasaktan ako?!" Nakaramdam ako ng kirot.

Tama siya... Mas nasasaktan ko siya pero kung ipagpapatuloy pa namin ito baka tuluyan pa siyang mahulog sa akin at mas lalo siyang masasaktan.

"Mas masasaktan ka lalo.." Tumungo ako.

"Scarlet! Friendship lang! Friendship na lamang ang hinihingi ko.. Hindi mo pa maibigay! Bakit ba?!"

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin.

"Ano?! Bakit b--"

"Kasi alam kong may plano ka!! Alam kong ginagawa mo lang ito dahil darating ang isang araw na papatayin mo ako! Diba ikaw yung nagtangkan patayin ako?! Diba ikaw yun?!"

Hindi ko na napigilan kaya umiyak na ako. Umiyak na ako dahil hindi ko na kaya. Mahina na kung mahina pero minsan kailangan din natin ilabas dahil napapagod ka na. Napapagod ka ng masaktan at ilihim ang lahat!

"O-oo ako yun... Pero wala na akong planong masama sa iyo."

Pinunasan ko ang aking pisngi at saka tumingin sa kanya.

"Dahil ba gusto mo ako kaya hindi mo tinuloy? Edi kung hindi mo pala ako nagustuhan sana ay wala na ako ngayon. Ha.Ha.Ha!" Sabi ko at tumawa ng sarkastiko.

"Matagal na kitang gusto, Scarlet." Seryoso niyang sabi kaya ngumiti ako sa kanya ng mapait.

"Friendship? Hindi ko alam kung maibibigay ko pa yun sayo. Alam mo ba kung bakit? Dahil yung taong pinagkatiwalaan ko, sinira lamang ang tiwalang iyon!"

"Bakit ba hindi mo maibigay? Friendship lang yun! Ayun lang! Hindi ko naman pinipilit na more than fvcking friendship! All I need is a fvcking closure! Tell me! Why are you always pushing me away?! At bakit yung hiningi ko noon na more than fvcking friendship, bakit hindi mo maibigay?! Bakit?!! Sino ba ang mahal mo?!! Sin--"

"Si Blade Cervantes!!! Si Blade Cervantes ang gusto ko! Si Blade Cervantes ang mahal ko!! Oh ano?! Masaya ka na?! Nasabi ko na! Titigil ka na ba?!" Ngumiti siya ng mapakla saka ginulo ang kanyang buhok.

"Kilala mo ba siya?" Tanong niya kaya natahimik ako. "Do you really. fvcking. know him?!?!" Galit na galit niyang tanong sa akin kaya lalo akong natahimik.

Kilala ko nga ba talaga si Blade?

"And do you... Do you fvcking know me too?" Sumeryoso siya at ako naman ay naguluhan. Pero tumawa siya ng sarkastiko. Bawat salita niya ay may diin.

"I can't believe that you trust someone that can't tell you about his fvcking life!" Nagsimula na akong maguluhan sa kanyang sinasabi. Wala akong masabi.

"Do I need to introduce myself first?" Tanong niya kaya nanatili akong tahimik.

Nababaliw na ba si Vladimir? Hindi ko na siya maintindihan.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon