HM #36

25 2 0
                                    

CHAPTER 36

Sorcerers can do anything... anything.

Kung nagagawa lahat ng sorcerer, bakit hindi ko magawa ang mga nakasulat dito? Totooo ba ito?

"You can't do anything if you lost your memory." may sumulpot sa likuran ko kaya agad kong tiningnan ito at lumapit sa kanya saka niyakap. Ramdam kong nagulat siya.

*LubdubLubdub*

Ito na naman yung puso ko! Masama na bang yakapin si Blade? Bakit ba sa tuwing malapit ako sa kanya ay laging bumibilis? Tsk. Kainis naman 'e! May virus ba si Blade?

Bumitaw na ako dahil feeling ko hindi na ako makahinga.

"W-what was t-that?" nauutal niyang tanong na halata pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla.

"A hug." sarkastiko kong tugon saka nagpatuloy na ulit magbasa.

Mabuti na lang nagpakita siya.

Teka...

Humarap ulit ako kay Blade at sinamaan siya ng tingin.

"Paano mo nalaman ang nasa isip ko?!"

"What? I heard you murmured it." Sabi nya at kumunot ang noo niya.

Binulong ko ba yun? Parang hindi naman eh. -_-

Di ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa aking pagbabasa.

Karamihan sa mga nababasa ko ay details ng sorcerer. Hindi mga magic. Pero kahit papaano may natutunan ako. At tama si Blade about sa mga elemento dahil natatawag ko ito. At hindi ko na kailangan pag-aralan pa dahil tinuruan na ako ni Blade at nagagawa ko na din naman.

Tapos sunod yung kaya mong gawin na kahit ano ang isang immortal. Actually, si Hades ang ginawa ko munang partner kahit hindi niya alam. Sa kanya ko tinry kanina kasi wala naman iba pang immortal sa loob ng library kanina.

Sa mga nagtatanong kung kamusta na si Hades. Naibalik ko na siya sa dati at ang natanggap ko sa kanya ay death glare. Pakiramdam ko noong tiningnan niya ako ng ganon. Nawala ang aking kaluluwa. Tsk. Nakakatakot din pala siya.

Sunod? Medyo mahihirap na at laging may kapalit. Isang masamang kapalit.

"Don't ever fvcking try that black magic." rinig kong bilin ni Blade kaya lumingon ako sa kanya na nakatingin sa librong binabasa ko. Tumingin naman ulit ako sa libro ko saka balik sa kanya saka sa libro ulit at sa kanya.

Pabalik-balik ang tingin ko hanggang sa mapansin yun ni Blade at kumunot ang noo niya.

"Why are you keep looking at me then in this book the--"

"Nababasa mo ang librong ito?" tanong ko saka tinuro yung libro ni mom.

"Malamang! I'm a half sorcerer."

"Pero nakalagay sa libro na ako na lang daw ang makakabasa nito lalo na at wala na si mom."

Sinamaan niya ako ng tingin saka pinitikan ang aking noo. Napahawak naman ako dito dahil medyo masakit. Tapos sinamaan ko siya ng tingin.

"My blood is your blood." napataas ang aking kilay sa sinabi niya.

"Anong konek non?"

"Tsk. Why so slow? I'm a half sorcerer because of you. Remember?"

Napa-isip naman ako.

His blood is my blood? Half sorcerer siya dahil sa akin. 'E alam ko naman na ako ang dahilan non. Ang hindi ko maintindihan ay bakit nababasa niya iton--

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon