HM #6

44 4 0
                                    

CHAPTER 6

Naguguluhan ako sa mga kwento niya. Hindi ko maintindihan.

"Hindi nila masakop ang buong Highratell dahil ang anak ni King Aleister at Queen Felicia ng Highratell ay buhay pa ngunit ito'y nawawala dahil dinala ni Queen Felicia ang kanyang babaeng anak sa mundo ng mga mortal." kwento pa ni Master A at tumingin ako kay Blade na tahimik lang na nakikinig.

"Hinahanap ng ilang pinagkakatiwalaan ni King Aleister ang anak niya. At sa loob ng 16 taon ay nakita na siya..." tumingin siya sa akin na pinagtaka ko.

"May mark siya sa kaliwang binti na ang itsura ay bilog at may letter H sa loob ng bilog at may stick na nakaslant which is wand." Sabi niya at tumingin sa akin at natahimik ako.

Ganun ang birthmark ko. At imposibleng ako yung babaeng yun kasi tao ako.

"Sorry po. Pero baka nagkataon lan--"

"Heiress Scarlet. You are the missing princess of Queen Felicia and King Aleister. Every vampires in Latrop Academy stares at you with a death glare. Why? Because they can smell you that you are not a vampire." napatingin ako kay Blade na seryoso na ang tingin.

Every vampires?

"What do you mean every vampires? Sa Latrop Academy?" naguguluhan ko pa rin tanong.

"About that, Scarlet. Ang Latrop Academy ay hindi talaga school. Yes. School siya pero walang tao dito, meron man ay kakaunti lamang. At karamihan ay mga Vampires. Ang Latrop Academy ay isang misteryosong lugar na kung saan ay hindi makakapasok ng basta-basta ang mga tao. Ginawa ito noong pinadala ka sa mortal world." kwento ni Master A at lalo akong naguluhan.

"Wait. 16 years na ang nakalipas noong pinadala ako sa mortal world at noong pinadala ako dito ay ginawa ang Latrop Academy?" tanong ko at tumango siya. Tumingin ako kay Blade na medyo naguguluhan.

"So baby at kapapanganak lamang sakin ni Queen Felicia?" umiling sakin si Master A at lalo akong naguluhan. Napa-upo ako dito sa may damuhan at nagtataka.

"Binalik ka ni Queen Felicia sa pagiging baby at para wala kang maalala." Sabi ni Master A at napatingin ako kay Blade.

Kaya ba tinatanong ako kanina ni Blade kung may naaalala pa ba ako sa lugar na pinaggalingan namin kanina?

" 'E bakit ang Latrop Academy ay ginawa?" tanong ko at bumuntong-hininga ulit siya.

"Dahil para sayo. Hindi ka ba nagtaka? Latrop is a weird name. Because noong pinagawa ni King Armadante ay binaliktad lang niya ang word na PORTAL." sabi niya at naguluhan ulit ako.

"So si King Armadante ang nagpatayo ng Academy na yun at hindi si King Aleister at Queen Felicia? Pero bakit siya?" tanong ko pa at tumango siya.

"Dahil nga siguradong papapasukin ka sa school na iyon dahil ayun ang nakatakda sayo. At ayun ang pinlano ni King Armadante para makuha ka at maagang mapatay para masakop na agad ang Highratell Kingdom."

That's it! I get it now!

"Pero wait po. Kung ang Latrop ay nanggaling sa word na Portal. Bakit portal pa?" nagtataka ko pang tanong at ngumiti siya.

"Kasi sa LA Forest ay pwedeng gumamit ng portal ang bawat immortal patungo sa Immoworld. Pero kalimitan ay vampires ang alam ng mga students ang gumagamit lamang ng portal. At ang mga iba pa natin kalahi na nasa mortal world ay hindi makapasok dahil anytime pwede silang mahuli at mapatay ng vampire at anytime pwede rin nilang i-turn ang mga kalahi natin into vampire." sabi niya at unti unti ko nang naiintindihan.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon