HM #62

23 1 0
                                    

Chapter 62

(Scarlet's Pov)

"Dia?!" ngumisi siya sa akin matapos ko siyang tawagin.

"Nice to meet you again, Heiress." isang nakakapanindig balahibo ang ibang boses ni Dia ngayon. Halatang hindi siya ang kaibigan ko.

Nginisian ko siya.

"Same here, Dia. Buti nga nakita pa kita. Kamusta sa Latrop?" sarkastiko kong tugon.

"Masaya naman, lalo na noong wala ka na." nakangisi niya pa rin sagot.

"Dahil nga ba wala ako? O dahil kasama mo si Hamlet?" ngumisi din ako. Nawala ang ngisi sa kanyang mga labi matapos niya yun marinig pero dahil mabilis siyang nakarecover ay napaltan ulit ito ng ngisi.

"Pwedeng... pareho?" nakakaasar niyang sagot.

"Whatever." nawalan na ako ng ganang makipagsagutan sa kanya.

Ngumiti siya nang malaman niyang sumuko ako.

Tsk. Tingnan natin kung sino ang susuko mamaya, Lucian.

"As you can see, wala na ang mga kai--"

"Alam ko. May mata ako." pagpuputol ko sa kanya.

Walang kwenta. Tsk. Akala mo naman interesado ako sa sinasabi niya?

"Hahaha! Wala ka man lang gagawin?"

Napatingin ako sa dalawang natitira. Si Hades at Vladimir. Patuloy pa rin silang nakikipaglaban kay Hamlet.

"May kailangan ba akong gawin?"

"Aba? Improving ka ah? Akala ko hindi na mababago ang mapormal mong mga pananalita. Kailan ka pa natutong mamilosopo, Heiress? Hahaha."

"Noong nawala ka." kinindatan ko siya.

"Ewww! Madiri ka sa ginagawa mo sa akin."

"Whatever. Anong kailangan mo? LU.CIAN." pagdidiin ko.

"Mahusay!" pumalakpak pa siya.

"Pwede bang wag mo nang kontrolin si Dia? Napaghahalataan kang bakla e." inirapan ko siya.

Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Wag kang mag-alala. Kapag nahalikan na kita gamit ang katawan ni Hamlet o kaya nitong kaibigan mo, hindi ko na sila kontrolado." nginitian niya ako at kinindatan.

Naalala ko na naman kung paano niya sinubukan halikan ako kanina.

"Aba! Ginagalit mo na talaga ako!"

"Hahaha! Nagsasabi lang ako ng totoo, anong ikinagagalit mo doon?"

Iginalaw ko na ang kamay ko ngunit sadyang malakas din ang pakiramdam niya kaya mabilis siyang umiwas.

"Hanggang doon na lang ba talaga ang pasensiya mo?" tanong niya habang iniiwasan ang mga binabato ko sa kanya.

"Matagal na akong nagtitimpi sa inyo, simula pa noong nasa Latrop ako, kung paano niyo ako pinagmukhang tanga, kung paano niyo ako nilinlang, noong pati ang mahal ko sa buhay ay dinamay niyo. Sobrang tagal. Kailangan ko pa bang habaan para maraming madamay?" patuloy pa rin ako sa pagbabato at siya naman ay iwas pa rin ng iwas.

"Pwede dahil hindi pa ito ang tunay na laban. Kawawa ka naman kung mauubos kayong lahat dahil lang sa pagligtas sa'yo." mapang-asar niyang tugon.

Tumigil ako sa pagbabato at tumungo.

"Pagod ka na ba?" pang-aasar pa rin siya.

"Heiress."

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon