HM #5

51 4 0
                                    

CHAPTER 5

Minulat ko ang mga mata ko at napansin ko na puro white ang nandito. Bumangon ako at nakita ko si Blade na nakaupo sa tabi ng higaan na hinihigaan ko ngayon. Nakita kong sira yung t-shirt niya at may dugo pa ito lalo na yung dibdib niya at may hiwa.

"Where am I? Why am I here? What happened?" agad kong tanong sa kanya at tumingin lang siya sa akin ng sobrang cold.

May pumasok bigla kaya napatingin ako doon. Nakakita ako ng isang gwapong nilalang din katulad ni Blade pero mas gwapo pa rin si Blade pero kung ako papipiliin, mas gusto ko itong lalaking kapapasok lang.

"Boss. Hinahanap kayo ni Master A." sabi nung lalaki at tinignan lang siya ni Blade at lumabas na yung lalaki.

Wow! Ganun ba talaga siya? Hindi nagsasalita? Bakit parang ang tamad niya naman magsalita? -_-

"Hindi mo talaga alam ang lugar na ito?" tanong niya na may pagkasinseridad at napataas ang kilay ko dahil sa pagtataka.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" tumayo siya saka lumapit sa akin at nilahad niya ang kanyang kamay na nagsisimbolo na sumama ako sa kanya.

Hinawakan ko yun at nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy sa aking katawan.

"May I have this dance, my princess?"

Napabitaw ako dahil sa narinig kong boses sa isip ko.

"May sinasabi ka ba?" maayos kong tanong sa kanya dahil baka siya yun. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Nakita mo bang nagsalita ako?" sarkastiko niyang pagkakatanong. Para siyang si Vladimir at Dia. Pilosopo. Tsk. Magsama silang tatlo. "Aish. Kukunin mo ang kamay ko o kakaladkarin kita palabas?" Tanong niya at hinawakan ko na ang kamay niya na labag sa aking kalooban.

Ang sungit naman nito. Mas gugustuhin ko pa pala siyang tahimik na lamang at hindi nagsasalita.

Hindi pa nga niya sinasabi kung nasaan ako at kaninong kwarto ito tapos niyayaya na niya agad ako sa labas. Iba rin to 'e.

Lumabas kami at halos mapanganga ako sa nakita ko.

Wowwwwwww!!!! Nasaan ba ako? Anong lugar ito? Ngayon pa lang ako nakakita at nakapunta sa ganitong lugar. Ang ganda. Ang sarap sa pakiramdam ng simoy ng hangin. Ang ganda ng mga bulaklak, iba't iba ang kulay at amoy na amoy mo. Yung mga ulap ang sarap tingnan, yung bahaghari kay sarap pagmasdan. Tapos kapag tumingin ka sa malayo ay makakakita ka ng mga buildings na ang tataas. Parang ayon yung pinakatown.

"You should close your mouth baka may pumasok dyan na paro-paro." sabi niya kaya agad ko naman tinikom ang bibig ko.

"Nasaan ba talaga tayo?" pagtataka ko habang naglalakad na kami.

"Hindi mo ba talaga naaalala? Wala ka bang natatandaan?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Anong maaalala ko dito? 'E hindi pa nga ako nakakarating sa ganitong lugar. Ngayon pa lang. Tapos tatanungin mo ako kung natatandaan ko pa ba ito." sarkastiko kong pagkakasabi at humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

"Aish. Wala!" bumitaw na siya sa akin.

"Nasaan ba kasi talaga ako?" pinilit ko siya at naging cold na naman ang mga mata niya.

"Master A is the one who will answer your questions." sabi niya with a cold voice at halos manigas na naman ako sa sobrang lamig.

Buti na lang, ang mga bulaklak na nadadaanan namin ay hindi nagiging yelo.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon