HM #20

33 3 0
                                    

CHAPTER 20

"Heiress, after nitong event na ito ay pupunta tayo sa parents mo." bulong ni Dia sa akin.

Mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit.

"Kaya mag-ready ka na." dagdag pa niya.

Gusto ko muna silang maka-usap. Last na araw.

"Midnight tayo pupunta para mas madali dahil tulog na sila." dagdag pa ulit niya at tumango ako sa kanya.

"Pwede ko ba muna silang kausapin?" tanong ko at ngumiti siya sa akin.

"Oo naman. Huling araw na ito. Kaya tumawag ka na at mamaya ay aalis na tayo at pupunta na tayo doon sa event." sabi niya kaya kinuha ko ang phone ko saka tinawagan agad ang parents ko.

(Hi baby! Kamusta ka?! Miss na miss na miss ka na namin. Bukas uuwi ka na ba?)

"Miss na miss ko na rin po kayo. Okay lang po ako. Uhm.. Opo. Bukas po uuwi na ako."

Napatingin ako kay Dia na tiningnan ako ng what-look.

"Why did you tell them that you're going home? Panigurado hindi sila makakatulog ng maayos."

Napalingon ako kay Dia ng marinig ko ang boses niya sa aking isip.

May point siya. Minsan pa naman ay excited lagi si Mommy na hintayin ako.

"Mommy. Hindi pa po pala ako sure. Kasi po may event kami ngayon at baka bukas ay maglinis pa kami. Well you know, I'm a president." pagbabago ko at narinig kong nadismaya siya.

(Ganon ba? Sige. Mag-iingat ka ha. We love you.)

"I love you both always." paalam ko saka binaba na ang tawag.

"So let's go?" anya niya at ready na siya. Pati rin naman ako.

Umalis na kami at pumunta na sa campus ng LA. Maraming booths dito, may mga iba't ibang pagkain din. May ibang games din. At maraming nagsikalat na estudyante dito. Mukhang nag-eenjoy silang lahat.

"Ang saya!" sigaw ni Dia pero hindi naman siya maririnig dahil malakas ang music na pinapatugtog.

Mas masaya sana kung kasama natin si Yari.

Mamaya din ay magsisimula na ang speech.

"Scarlet! Tara doon sa photo booth!" hinila ako ni Dia papunta sa booth na yun at pumasok kami. Tapos pinicturan kami with 3 shots lang. May bayad siya, syempre.

Pagkatapos naman namin doon ay bumili kami ng pagkain.

"Uy! Favorite mo, Dia!" tinuro ko kay Dia yung pastillas at kuminang naman ang kanyang mga mata. Joke. Nanlaki lang dahil sa sobrang saya.

As usual, kapag nakakakita siya ng pastillas ay bumibili siya ng dalawang balot. Tsk. Takaw talaga.

"Wahhh!!! Tara doon." sabi ko at hinila si Dia papunta sa isang laro na may tubig.

"Anong laro ito?" tanong ni Dia at binasa ang instruction. Ganon din naman ang ginawa ko.

May three balls na ibibigay sayo at kailangan mong i-shoot ang tatlong ito sa tatlong butas na nasa ilalim ng tubig na nandito. Tumataas-baba yung tubig kaya medyo mahihirapan kang ibato yung tatlong bola. Kailangan mong maghintay para sa perfect timing. Kasi once na bumaba ang tubig, makikita mo yung butas kaya kailangan mashoot mo agad yun.

Once na mashoot mo ang tatlong bola ay may malaki kang price. Kapag dalawa, maliit lang. Kapag isa, wala kang price.

"We should try this." Sabi ni Dia kaya napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangisi.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon