HM #38

32 4 0
                                    

CHAPTER 38

"Scarlet. I'm sorry." sambit ni Blade habang naglalakad kami.

Magkasama ulit kami ngayong araw na ito. Yes! Another day. :)

Pero nasa iba na kaming lugar. Kung kahapon ay sa rooftop. Ngayon nandito kami sa garden sa Highratell Kingdom.

Um-absent muna ulit ako. Pati si Dia sumama sa akin dito. Nandoon siya kay Lazarus! Pero ewan ko, feeling ko may mangyayaring masama. O feeling ko lang yun?

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya.

"Because I lied to you. I fvcking really don't know how to return your memories. All I know is to return your love. And that's it!" sabi niya at naalala ko ulit yung may nagsabi sa akin.

Teka. Hindi ko pa pala nasasabi ang tungkol doon kay Blade.

"May nagsabi sa akin na witch yata yun? Sabi niya sa akin ay may tatlong buhay na nakadugtong sa akin at isa doon ay magsasakripisyo para bumalik lang ang aking memorya." sabi ko at tumigil siya sa paglalakad kaya tumingin ako sa kanya.

"And who's that three?" tanong niya at kumibit-balikat ako. "Tsk. I don't believe it." sabi niya at umupo. Umupo din naman ako sa tabi niya.

"'E ano na plano ngayon?" tanong ko at kumibit-balikat lang din siya. Nagbuntong-hininga naman ako.

Wala siyang alam. Wala din akong alam. Pakiramdam ko, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa.

"I love you, Scarlet." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Hinayaan ko na lang siya at hindi sumagot. Ayoko munang malaman niya yung nararamdaman ko sa kanya. Ayoko nang biglaan.

Noong hinawakan ni Blade ang aking kamay. Parang naalala ko ang lahat ng pinaghirapan namin. Hindi ako dapat sumuko. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

Mommy!! Nasaan ka na ba? Tulungan mo naman ako 'o! Hindi mo ba alam kung paano maibabalik ang aking memorya?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nakita ko si Diamanda at Lazarus. Seryoso ang kanilang mukha. Pero nararamdaman ko itong aura ni Lazarus na parang galit.

Bakit naman magagalit?

Nagtago ako para hindi nila makita at para marinig ko ang usapan nila.

"Sasama ako sa'yo sa mortal world." pilit ni Lazarus. Nakakatakot yung boses niya. Ngayon lang ulit ito naging seryoso. Ang lamig!

"Hindi nga pwede, Lazarus. Ito na naman ba tayo? Di'ba sinabi ko na naman sa'yo na maninibago sila? Na hindi ka nila mamumukhaan." sabi ni Dia.

"Bakit ba ayaw mo?! Bakit ba ayaw mo akong papuntahin doon?! 'E ano naman kung hindi nila ako mamukhaan! Anong pakialam ko sa kanila?! Parang-awa mo naman, Diamanda. Nasasaktan din ako kapag wala ka sa tabi ko."

Sht. Ang seryoso nilang lahat.

"Tapos magkasama tayo? Tsk! Edi ako ang tatanungin nila ng tatanungin kung sino ikaw? Babalik naman ako, Lazarus."

Tumigil si Lazarus saka tumungo.

"Kung yan ang gusto mo. Sige. Hindi na ako sasama sayo." sabi ni Lazarus saka tumalikod at nagsimula nang maglakad papalayo nang hindi man lang lumilingon kay Diamanda.

Mali naman kasi silang dalawa. Tsk.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

"Hi, Heiress!!" bungad ni Cullen nang makita ako at nginitian ko naman siya saka kinawayan. Umupo ako doon sa bakanteng upuan at hinarap sila.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon