HM #48

22 1 0
                                    

CHAPTER 48

(Scarlet's Pov)

Ready na silang lahat. May mga dala na din silang kanilang mga gamit na kailangan sa paglalakbay.

"Mag-iingat kayong lahat! Wag kayong mag-alala. Malalaman at makikita ko kung anong nangyayari sa inyo." Sabi ko at tumango silang lahat. "Bawat isa sa inyo ay may leader at dapat masunod." Dagdag ko pa at muli silang tumango.

"Magsisimula na ang inyong lakbay ngayon. I hope ay napag-usapan niyo ng maayos kung ano ang plano at saan kayo maglalakbay at maghahanap." Dagdag ko pa. "Wag kayong mag-alala. Nakikita ko ang mga ginagawa niyo." At ramdam kong nakahinga nang maluwag ang iba.

Alam kong natatakot yung iba dahil hindi sila handa sa paglalakbay. Base sa sinabi ni Master A. First time lamang nila itong gagawin. Maliban sa maghanda sa digmaan tuwing sumusugod ang mga kalaban.

Mabuti na rin ito dahil parang natratrain ko na din sila.

"Okay. Kita niyo itong number sa taas?" Tanong ko at tinuro yung nasa taas.

May ulap doon at ako ang nagpapagalaw nun ngayon. Nagform ng number 3 ang ulap nang maigalaw ko.

"Once na maging number one ito. Maghanda na kayo, then kung naging "go" na ay magsimula na." Sabi ko at lahat sila tumango.

Ginalaw ko ang kamay ko para magbago ito.

2

1

Napatingin ako sa mga Hightals lalo na sa werewolves. Kung titingnan mo ang werewolves parang wala lang sa kanila. At mukhang excited pa sila! Sanay na talaga sila.

Go.

Nagsitakbuhan na ang iba't ibang Hightals at ako naman ay pinanood sila kung paano maghiwa-hiwalay.

Ang hirap pala mamuno. -_- Sa una lang siguro ito. Masasanay din ako, para kay Mommy and Daddy itong ginagawa ko, especially sa mga Hightals.

-----------

Kasama ko si Master A dito sa kanyang silid at pinapanood namin ang mga Hightals kung paano maglakbay.

Maraming palabas kang makikita dito sa silid ni Master A. Once na hawakan mo ito, mawawala siya. Parang isa lamang siyang screen na nakalutang and invisible. Aish? Ang hirap i-explain.

Tiningnan ko si Blade na kalmado lamang maglakad pati na rin ang apat. Wala si Lazarus kaya lima lang sila.

Ang mali lamang dito sa screen ay walang sounds kang maririnig. Tanging yung pangyayari lamang ang makikita mo.

"Wala pang nababawasan, Heiress. At unti-unting nakikita sa kanilang mga mukha ang pagkasaya at pagkakalmado na." Sabi ni Master A at ngumiti ako.

Kami lamang dalawa ang natira dito sa Highratell. Si Dia? Hindi ko na siya nakakasama. Nandoon siya sa mortal world. Hindi ko alam kung bakit pero nandito ako. Diba sabi niya, kaya siya nandoon ay dahil pinoprotektahan niya ako? Pero bakit siya nandoon ngayon? Hayss.. Epekto ba nun ang kanilng pag-aaway ni Lazarus?

Speaking of Lazarus. Nasaan na kaya yun? Hahanapin ko pa nga pala yun. Baka nakalutang na ang katawan niya sa dagat. -_-

"Master A? Hahanapin ko lang si Lazarus." Paalam ko at tumayo pero pinigilan niya ako.

"Wag mo nang hanapin. Tingnan na lang natin dito." Sabi nita at saka nagpagalaw siya sa isang shell ng tubig at tinaas niya ito saka may bulang lumabas na sa loob nito ay makikita ang pangyayari.

Nakita ko si Lazarus... Pero hindi lamang si Lazarus ito. May kasama siyang babae.

"Sino yung kasama niya?" Tanong ko at pinanood lang sila.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon