HM #16

33 3 0
                                    

CHAPTER 16

"Sa tingin mo? Kakampi kaya natin si Yari?" tanong ko kay Dia na ngayon ay nakain ng mangga.

Nandito kami sa GD namin dalawa ni Dia. At si Yari ay mahimbing na natutulog sa kama ko.

"I don't know. She's our friend. Baka oo." sabi niya at tiningnan ko si Yari.

She's already a vampire at hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikisamahan.

"Heiress, you need to go back to the Immoworld." saad ni Dia at bumalik na ang atensyon ko sa kanya.

Babalik agad? Gusto ko munang maging normal muna. Gusto kong alamin ang tungkol kay Zaphara. Gusto kong pagmasdan ang kanyang mga plano.

Umiling ako sa kanya at ngumiti ako.

"Hindi muna ako babalik. Wala pa naman akong gagawin doon."

Umiling din siya at binigyan ako ng malungkot na tingin.

"Kailangan mong bumalik at ihanda ang 'yong sarili. Tomorrow is your day. Ipapakilala ka na sa lahat na nandoon na ikaw as a Heiress. Pero nasa sa iyo pa rin ang desisyon kung pamumunuan mo kami."

"Then bukas ako ng hapon babalik doon."

"No. Kulang ang oras. Hindi ka maaayusan."

"For what? Magpapaganda pa ba ako? Tsk. Wag na."

"Tsk. Stubborn."

Narinig ko na naman yung stubborn na word. Makulit ba talaga ako?

"By the way, kung babalik ako dapat bumalik ka din." sabi ko at kumuha na din ng mangga at tinalupan ito.

"Babantayan ko si Yari."

"Pero nagpromise ka doon sa... Lazarus ba yun? Oo nga pala. Kaano-ano mo ba yun?"

Nagulat ko yata siya. Umiwas siya ng tingin at namula ang kanyang mukha.

"U-uhmm... H-he's my boyfriend."

"Boyfriend mo?!"

Tinakpan ko ang aking bibig dahil napalakas yung boses ko at baka magising si Yari.

May boyfriend siya? Wow! Kaya pala hindi siya nagkakaroon ng lovelife dito. Wala siyang kinekwento sa akin kung may nagugustuhan ba siya dito. Yun pala, taken na ang puso niya. Errr...

"Oh? Bakit di ka babalik?"

"I have a reason." sagot niya at inirapan ako.

Aba naman! Iniirapan na niya ang isang heiress. Kung pagsamahin ko kaya silang dalawa ni Blade at napakabastos nilang dalawa sa akin. Tsk. Palibhasa close na close kami. Tsk.

"Labas muna ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na agad. Pumunta ako doon sa rooftop ng building ng mga sections.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakaka-antok. Ibang-iba ang simoy ng hangin dito kaysa sa Highratell Kingdom.

Tiningnan ko ang mga tao sa baba or should I say mga vampires or iba pang immortals sa baba ng building.

Busy pa rin sila. Malapit na nga pala ang 16th anniversary ng LA.

Hays! Mukhang nakalimutan ko yata ang tungkulin ko dito. President nga pala ako tapos hindi ako tumutulong. At ilang araw na din akong wala.

Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Sir Klien A?

Mamaya na lang siguro ako magpapakita. Magpapahinga muna ako. Masyado akong napagod sa training. Wala pa akong pahinga.

Mabuti na lang at meron ditong bench kaya umupo ako. Bench na upuan ha? Tsk.

Heiress MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon